top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Super idol daw si Songbird… ROCHELLE, NAALALA ANG PALILIGO SA BAHA DAHIL SA MGA KANTA NI REGINE

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
3 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | October 19, 2026



FRANKLY - ROCHELLE, NAALALA ANG PALILIGO SA BAHA DAHIL SA MGA KANTA NI REGINE_IG _rochellepangilinan

Photo: IG _rochellepangilinan


Nagbigay-pugay ang ilan nating celebrities sa nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez matapos nilang mapanood ang unang gabi ng 3-night sold-out FINALE concert nito held last Saturday sa SM Mall of Asia (MOA) Arena.


Sa Instagram (IG) post ni Sexbomb Rochelle Pangilinan, dala-dala pa niya sa isip hanggang kinabukasan ang unforgettable concert ng kanyang idolo.


Simula ng post ng aktres-dancer, “Paggising ko, ang concert mo po ang nasa isip ko @reginevalcasid. Sabi mo, Ate Reg, it’s time na para magbigay ng space sa iba. Maryosep, Ate! May kanya-kanya tayong space, at ang space mo ay ikaw lang ang makakapuno. Walang makakapalit sa ‘yo!” 


Patuloy pa niya, “At sabi mo pa, may mga kanta ka na kailangang mag-retire. OMG, Ate! As your fan, ‘di pwede! (crying emoji). Habambuhay naming kasama sa buhay ang mga kanta mo. ‘Di sila basta kanta lang, kundi bahagi ng mga alaala at kuwento ng buhay namin.”

Inalala rin ni Rochelle ang panahon ng kanyang kabataan kung saan lumaki siya sa mga awitin ni Regine.


“‘Pag kinakanta mo ang You Are My Song, bumabalik ako sa panahon na naliligo pa ‘ko sa baha sa Malabon. Ganu’n kalalim ang koneksyon namin sa mga kanta mo,” aniya.

Hindi rin niya napigilan ang magpahayag ng paghanga sa husay na ipinakita ni Songbird sa concert.


“Kagabi, habang pinapanood kita, ang bigat sa pakiramdam. Halu-halo ang emosyon ko. Sobrang galing mo, Ate! Napaisip ako, sa 40 years mo sa industriya, ilang concerts na kaya ang nagawa mo? Thousands, maybe? ANG LUPIT MO!” mensahe ng Sexbomb leader.


“Lumaki kami sa mga kanta mo, at hanggang sa pagtanda, kasama pa rin namin ang mga ‘yun. Walang papalit sa trono mo. Walang papalit sa ‘yo sa puso ng isang fan gaya ko. Iisa lang ang REGINE VELASQUEZ-ALCASID sa amin! Forever your fan, Ate Reg!” ang pagtatapos ni Rochelle.


Samantala, ang ganda rin ng mensahe ng singer na si Mark Bautista sa kanyang IG. Tulad ni Rochelle, labis din ang paghanga at respeto niya kay Regine.


“Ms. Reg! I love you! Congratulations on your sold-out Finale concert! It takes a special kind of gift and so much discernment to envision this career moment. You truly are special & God’s gift…


“What a beautiful way to mark a milestone in your journey! Thank you for being part of mine! Cheers to more singing and adventures,” pahayag ni Mark.


Makikita rin sa IG post ni Melai Cantiveros ang panonood niya ng Finale concert kasama ang mister na si Jason Francisco. May group shot din siya with other celebrities na nanood tulad nina Vice Ganda, Jona, Jolina Magdangal, Ysabel Ortega at Darren Espanto. 


Ayon kay Melai, naiiyak siya habang nanonood ng concert dahil saksi raw siya sa mga pinagdaanang health issues ni Regine.


“Congratulations as always MomshieReg @reginevalcasid for a spectacular Finale Concert indeed (heart, clap & confetti emoji). Thank you Lord Jesus Christ ‘cause your presence is with us sa concert, nakakaiyak ang concert kasi saksi ako sa mga pinagdadaanan ni Momshie Reg with regards to her health,” aniya.


At siyempre, hindi rin nagpahuli ang mister ni Songbird na si Ogie Alcasid na nagpahatid ng pagbati for the successful concert. 


Ini-repost niya ang aerial shot kung saan ay makikitang punumpuno ang MOA at aniya sa caption, “Congratulations, Mahal!!! (3 red heart emoji).”


Viral din ang video ng duet nilang mag-asawa sa concert ng classic song nilang Hanggang Ngayon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page