top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Super-dami raw mali… LEA, TINAWAG NA MGA BOBO ANG GUMAWA NG LEARNING MODULES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 9, 2020
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 9, 2020




Pikon na pikon ang Broadway singer na si Lea Salonga sa mga kapalpakan ngayon sa mga learning modules lalo't ang kinabukasan nga naman ng mga estudyante ang nakasalalay dito.


Sa kanyang sunud-sunod na Facebook posts, tinawag ni Lea ang atensiyon ng Dept. of Education sa pamamagitan ng pagbibigay ng example ng mga mali-maling laman ng learning modules ng mga estudyante.


Ang unang post ni Lea ay nagpapakita na 'yung picture ng owl sa libro ay ostrich ang nakalagay na pangalan.


Caption dito ng singer, "For the love of....... there aren’t enough curse words in my vocabulary for this s***!!! THAT IS AN OWL, YOU IDIOTS!!!"


Kasunod nito, nag-post naman siya ng picture kung saan makikitang ang nakalagay sa libro ay "L is for rabbit," kaya nilagyan niya ito ng caption na: "This might be never-ending. Excuse me, I need to gouge out my eyes. QUE HORROR!!!"


At ang hindi na kinaya ni Lea ay ang isang pahina ng libro kung saan ipinama-match sa estudyante ang larawan ng mga lapis sa kaliwang bahagi na diumano'y may kulay sa pangalan ng mga kulay na nasa kanang bahagi.


Ang siste, black and white ang module kaya paano makikita ng mga estudyante ang kulay sa larawan?


Maraming naka-relate sa ipinaglalaban ni Lea at in fact, ang daming nag-share ng post niya.


Sana ay mabigyang-pansin nga naman ng DepEd ang mga ganitong pagkakamali dahil kawawa ang mga bata na mali ang matututunan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page