top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

After maudlot ang kasal nila ni Vincent… BEA, TODO-FLEX NA HAPPY NA SIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 9, 2026



WINNER - BEA, TODO-FLEX NA HAPPY NA SIYA-IG _beaalonzo

Photo: IG Bea Alonzo



Pinatunayan ni Bea Alonzo na naka-move on na siya sa pagkadiskaril muli ng kanyang love life.


Sa kanyang recent Instagram (IG) post ay inamin niya na nasa sitwasyon na siya ngayon kung saan nakakaramdam siya ng ganap na kasiyahan.


Nag-post si Bea ng series of photos sa kanyang IG na may iba’t ibang caption.

Sa mga caption ay malinaw na inilarawan ni Bea ang kalagayan ng kanyang puso at isipan, gaya sa unang larawan ni Bea na nakaupo sa set ng kanyang seryeng Whispers From Heaven (WFH).


Caption ni Bea rito, “In my element.”


Sumunod na photo ay sa set ng serye niya na ang location ay sa isang squatter's area.

Ang caption ni Bea sa picture na ito ay isang movie camera emoji.


Pangatlong picture ay nakatalikod si Bea na may bitbit na weekend bag habang nakatingin sa malayo.

“Moving,” sey niya.


Pang-apat ay picture niya with her family sa dining room ng bahay nila.

“My safe place,” caption pa ni Bea.


Ang iba pa ay pictures niya with her best friend at may white wine bilang reward daw at tsikahan nila ng kanyang direktor na si Zig Dulay sa taping.


Positive vibes ang dating ng recent post ni Bea sa kanyang mga IG followers.

Anila, “Happy ng mga babies.”

“You belong where your soul feels alive.”

“Can’t wait for your teleserye comebackkkk!!!”


Abangers na talaga sila.





OUT na ang apat na pelikula sa unang batch na kasali bilang official entries sa December filmfest this year. At isa riyan ang pasabog na pagsasanib-puwersa nina Vice Ganda at Bossing Vic Sotto para sa The Greatest Showdown (TGS).


Ang TGS ang nagsisilbing unang kolaborasyon nina Vice at Vic at ipo-produce ito ng ABS-CBN Studios, Star Cinema, The IdeaFirst Company, M-Zet Productions, at APT Entertainment sa direksiyon ni Jun Robles Lana.


Tsika ni Vice sa interbyu, “Kailangan naming magsanib-puwersa para ibigay ang tawa, halakhak, at kaligayahan na kailangan ng mga Pilipino. Hardcore, todo-comedy ang gagawin naming dalawa.”


Ang tatlo pang pasok sa December filmfest ay ang mga pelikula nina Aga Muhlach, Dennis Trillo, at Maricel Soriano.


Tiniyak naman ni Vic na maraming aral ang mapupulot ng mga manonood sa movie nila ni Vice.


Sabi pa ni Vic, “Magbibigay kami ng ligaya sa taong bayan. Magpapasaya tayo at magpapatawa tayo.”


For sure, excited na ang buong bayan sa pagsasama nina Vic at Vice sa pelikula.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page