May problema sa puso… BB, UMAMING DAHIL SA SAKIT KAYA BALIK-'PINAS
- BULGAR

- 3 hours ago
- 4 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | July 9, 2026

Photo: IG _gandangharibb
Blooming at tila in love ang kapatid ni Sen. Robin Padilla na si BB Gandanghari nang mag-guest siya kamakailan sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Sa panayam, tinanong ni Boy Abunda kung bukas pa ba siyang muling mag-artista sa Pilipinas kung mabibigyan ng pagkakataon.
“Halimbawa, kung magkaroon ka ng offer dito sa Pilipinas para gumawa ng series o pelikula, bukas ka naman?” tanong ni Boy.
Sumagot si BB, “Oh, yeah. I’m more than willing, of course. S’yempre, ‘di naman lahat puwede mong gawin on your own. I’m still looking forward to working with directors. We have really good directors now. At gusto ko ring makatrabaho, for example, ang GMA. Ang gaganda ng mga teleserye na nakikita ko rito, so I want to be a part of that also.”
Sinundan ito ni Boy ng tanong kung mas gusto ba niyang gumanap bilang bida o kontrabida.
“Bida, kontrabida, o kahit kuwentuhang magkaibigan lang?” ani Boy.
“Ah, I can do both,” sagot ni BB.
Kuwento niya, “One of the characters I really enjoyed doing way back in 2014 was in Enchanted Garden sa kabilang channel. Bida-kontrabida ‘yun. I was the Evil Queen, at gusto ko talaga ang mga ganu’ng karakter.”
Ikinuwento rin niya na labis niyang na-enjoy ang pagiging kontrabida sa naturang serye.
“Evil Queen na tinatarayan ko sina Rufa Mae Quinto at Alice Dixson. Enjoy na enjoy ako ru’n,” aniya.
Nang tanungin ni Boy kung sino ang pinakamasaya niyang nakasama sa mga eksenang nagtatarayan sila, agad niyang binanggit si Rufa Mae.
“Si Rufa, actually. S’yempre, si Rufa, nakakatawa naman ‘yun all the time. But Alice is always a good co-worker. I mean, even from way back, meron na talaga kaming rapport when we’re in front of the camera,” saad ni BB.
Sa naturang panayam, napag-usapan din ang naging dahilan ng pag-uwi ni BB sa Pilipinas.
“Bakit umuwi ka? And how long have you been here?” tanong ng mahusay na TV host na si Boy.
“I’ve been here for quite a while already—more than two months,” sagot ni BB.
Sinundan ito ni Boy ng tanong kung may kinalaman ba sa pulitika o pag-ibig ang kanyang pag-uwi.
“What brought you home? Ito ba ay may kinalaman sa pulitika o sa pag-ibig?” tanong ng host.
“I wish. No. Unfortunately, for health reasons,” pag-amin ni BB.
Paliwanag niya, “Sa Amerika, I was diagnosed with a cardiovascular condition. Nakakita sila ng blockage sa puso ko, and then I was very emotional in the States. I was supposed to have parang an angiogram there and then go through the whole process.
“But I wasn’t sure kasi sabi ko, I don’t know if I’m too young for that kasi they want to put a stent on my heart already. I was like, let me go back. Sabi ko, babalik muna ako ng ‘Pinas and have a second opinion over there.”
Natanong naman ni Boy kung dito nga ba sa Pilipinas siya nagpatingin para humingi ng second opinion.
“Oo. Gusto kong dito magpa-second opinion,” sagot ni BB.
“And you did that?” muling tanong ni Boy.
“And I did that,” tugon ni BB.
“And you’re okay?” usisa pa ng host.
Ibinahagi ni BB ang magandang balita matapos ang kanyang pinakahuling pagsusuri.
“I had my procedure last week for a second opinion. Of course, during that whole process, binago ko ang lifestyle ko. Binago ko ang diet ko. Also, that’s the reason why I went to Iloilo, just to have clear air and just to really relax, magpahinga.
“God is good. ‘Yung blockage na nakita sa akin sa Amerika ay bumaba na. ‘Di na ito umabot sa puntong kailangan akong lagyan ng stent, which is more of the important thing.
“But of course, I’m still very active. That was my fear when I was diagnosed. I was like, how can I even... parang ‘di ko kaya ‘yung biglang ‘di ka na puwedeng maging active. ‘Yung kailangan mong mag-stop,” saad niya.
Sa panayam, napag-usapan din ang tungkol sa posibilidad ng pagpasok ni BB sa pulitika at ang estado ng kanyang love life.
Nang tanungin ni Boy kung may balak ba siyang pasukin ang gobyerno, diretsahan itong sinagot ni BB ng “Hindi.”
Sunod namang inusisa ni Boy ang lalaking kasama ni BB sa isang larawang kuha habang naglalakad sila sa tabing-dagat.
“Sino naman ang kasama mo habang naglalakad sa tabing-dagat? Ano’ng kuwento rito?” tanong ni Boy.
Napatawa si BB at sey niya, “Ewan ko rin kung bakit kami naglalakad d’yan. Hahaha! Baka naman sinasamahan n’ya lang ako kasi gusto kong maglakad sa dalampasigan.”
Napansin din ni Boy ang kilos ni BB sa naturang larawan.
“Iba ang body language mo. Naghawakan ba kayo ng kamay d’yan?” tanong niya.
Inamin naman ni BB na inaalalayan siya ng kanyang kasama.
“Oo, ‘pag umaakyat ako ng hagdan, inaalalayan naman n’ya ‘ko,” aniya.
Nang tanungin kung may espesyal na ba sa kanyang buhay, sinabi ni BB, “Not yet.”
Sinundan ito ni Boy ng tanong kung papunta na ba siya sa puntong iyon.
“I guess so. Hahaha! Pero wala pa naman. Parang feeling ko lang, just okay,” tugon niya.
Well, at least, kahit wala pa siyang opisyal na karelasyon, masaya pa rin si BB at lalong gumaganda.
MAGSASAMA sa unang pagkakataon sa isang pelikula sina Unkabogable Superstar Vice Ganda at Bossing Vic Sotto para sa The Greatest Showdown (TGS), mula sa direksiyon ni Jun Robles Lana at mapapanood ngayong 2026.
Mainit ang naging pagtanggap ng mga fans sa pagsasanib-puwersa ng dalawang box office stars matapos ianunsiyo mismo nina Vice at Vic na nais nilang magbigay ng saya at katatawanan sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang pelikula.
“Kailangan naming magsanib-puwersa para ibigay ang tawa, halakhak, at kaligayahan na kailangan ng mga Pilipino. Hardcore, todo-comedy ang gagawin naming dalawa,” pahayag ni Vice tungkol sa pelikula.
Dagdag pa ni Vic, “Ang pelikulang ito ay magbibigay ng ligaya sa taong bayan. Magpapasaya tayo at magpapatawa tayo. Sinisiguro rin namin na marami kayong mapupulot na aral.”
Ang The Greatest Showdown ang nagsisilbing unang kolaborasyon nina Vice at Vic, at ipo-produce ito ng ABS-CBN Studios, Star Cinema, The IdeaFirst Company, M-Zet Productions, at APT Entertainment.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments