Super Bagyong Obet at habagat, joint forces
- BULGAR

- 11 minutes ago
- 1 min read
by Jeff Tumbado @News | August 24, 2026

Photo: PAGASA-DOST
Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Saudel at maaaring tawaging Bagyong Obet, depende pa rin sa pagkakasunod ng pagpasok ng iba pang binabantayang tropical cyclone.
Ayon sa forecast, posible pang umabot si Saudel sa Super Typhoon category bago o habang papasok sa PAR.
Inaasahang magpapatuloy ito sa pagkilos pahilagang-kanluran, patungo sa direksiyon ng Taiwan, kung saan posible itong makaapekto sa hilagang bahagi ng Taiwan depende sa magiging track nito.
Kahit hindi direktang tumama sa kalupaan ng Pilipinas, ang malakas na sirkulasyon ni Saudel ay inaasahang hahatak at magpapalakas sa Habagat, na maaaring magdala ng mas maraming pag-ulan, lalo na sa kanlurang bahagi ng Luzon.





Comments