top of page
Search

by Info @News | November 10, 2025



Bagyong Uwan - Gatbalogan City FIre Station Samar

Photo: Gatbalogan City FIre Station Samar



Nasa dalawang katao ang naiulat na nasawi sa Viga, Catanduanes at Catbalogan City, Samar dahil sa Super Typhoon Uwan, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) ngayong Lunes, November 10, 2025.


“Sa casualty po natin, meron pong reported po sa atin pero subject again for validation pa ito,” saad ni OCD deputy administrator for administration Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV.


“Dalawang fatality — one is from Viga, Catanduanes due to drowning and another one from Catbalogan City, Samar na nahulugan ito ng collapsed structure,” dagdag pa niya.


Sinabi rin ni Alejandro na dalawang indibidwal ang nai-report na nasugatan.

Aniya pa, may kabuuang 1.4 milyong katao o 426,000 pamilya ang preemptively evacuated sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Negros Island Region, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, at Eastern Visayas. Nasa 318,000 katao o 92,000 pamilya naman ang nananatili sa mga evacuation centers.

 
 

by Info @News | November 9, 2025



Kiko Pangilinan

Photo: File



Kanselado na ang nasa 324 flights mula nitong Sabado, Nobyembre 8 hanggang Lunes, Nobyembre 10 dahil sa epekto ng Bagyong #UwanPH.


Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), parehong apektado ang domestic at international flights sa nasabing kanselasyon.


Nakapagtala rin ng tatlong flight na nag-divert at patungo sanang Bicol dahil sa hirap mag-landing dulot ng masamang panahon.

 
 

by Info @News | November 6, 2025



Bagyong Tino, Super Typhoon

Photo: Disaster bagyong Tino PH - Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office-CCDRRMO



As of 9:00 AM, ngayong Miyerkules, Nobyembre 6, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 188 ang patay, 10 ang sugatan, at 135 ang nawawala dahil sa pananalasa ng Bagyong #TinoPH.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page