top of page
Search

by Info @News | October 19, 2025



 Bagyong Ramil / Coast Guard District Southern Tagalog

Photo: Coast Guard District Southern Tagalog



Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 22,311 na indibidwal o 7,884 na pamilya ang nailikas na nila mula sa mga lugar sa Calabarzon at Region 5 dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Ramil.


Kasabay nito ay mayroon ding 39 na seaport na pansamantalang itinigil ang operasyon dahilan para ma-stranded ang ilang pasahero at sasakyang pandagat.


Idinagdag din nila na nasa 3,242 pasahero, 1,050 cargo, anim na vessel, at pitong bangka ang kasalukuyang stranded.

 
 

ng BRT @News | July 20, 2025



Bagyong #CrisingPH

Photo: MDRRMO Rizal


Tinatayang nasa 3 katao ang nasawi dahil sa Bagyong Crising at Habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Batay sa situational report na inilabas ng NDRRMC ngayong Linggo, Hulyo 20, dalawa sa bilang ay mula sa Northern Mindanao habang mula Davao Region naman ang isa.


Ayon pa sa kanila, nasa ilalim ng validation ang mga report. Samantala, tatlo rin ang napaulat na sugatan at nawawala sa bansa na dulot ng bagyo.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Nov. 21, 2024



Photo: "Bomb cyclone" - Eastside Fire and Rescue / AP


Isang malakas na bagyo ang tumama sa estado ng Washington nitong Miyerkules, na nag-iwan ng daan-daang libong tao na walang kuryente, umabala sa pagbiyahe, at nagresulta sa hindi bababa sa dalawang pagkamatay.


Isang babae ang namatay noong Martes nang mabagsakan ng puno ang isang kampo ng mga walang bahay sa Lynnwood, hilaga ng Seattle.


Isa pang babae ang nasawi malapit sa Seattle nang mabagsakan ng puno ang kanyang bahay. Dalawang tao naman ang nasugatan nang mabagsakan ng puno ang kanilang trailer sa Maple Valley, timog-silangan ng Seattle.


Mayroon ang bagyo ng mga hangin na umaabot sa 50 mph (80 km/h) at mga bugso ng hangin na umabot ng 70 mph (110 kph).


Iniwan nito ang mahigit 600,000 na tahanan at negosyo na walang kuryente sa Washington, timog-kanlurang Oregon, at Hilagang California, ayon sa Poweroutage.us.


Tinatawag na "bomb cyclone" ang bagyo dahil sa mabilis nitong paglakas, at inaasahang mananatili sa Hilagang California sa mga susunod na araw.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page