Super Bagyong Inday
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | July 3, 2026

Photo: PAGASA-DOST
Posibleng lumakas at maging ganap na super typhoon ang tropical storm na kasalukuyang binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa weather advisory nitong alas-5 ng madaling-araw, inaasahang papasok sa PAR ang sama ng panahon sa Miyerkules o Huwebes ng susunod na linggo at tatawaging “Inday.”
Ayon kay PAGASA weather specialist Leanne Loreto, patuloy pang lalakas ang bagyo sa mga susunod na araw, bagama’t hindi pa tiyak ang magiging direksyon.
Maaari rin nitong palakasin ang habagat o southwest monsoon, na posibleng magdulot ng mas malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.





Comments