ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 15, 2023
Inaasahan ang "partly cloudy to cloudy conditions" na may "isolated light rain" sa mga Rehiyon ng Ilocos, Cordillera Administrative, Cagayan Valley, at Central Luzon, dahil sa Amihan o Northeast Monsoon, ayon sa PAGASA ngayong Biyernes.
Sa ibang bahagi ng bansa, inaasahan naman na magiging "partly cloudy to cloudy" na may "isolated rain showers or thunderstorms" dahil sa Easterlies at localized thunderstorms.
Maaaring magdulot ng posibleng flash floods at landslides ang mga pag-ulan at pagkulog.
Maaaring pumasok ang isang low-pressure area sa Philippine Area of Responsibility sa Sabado, ayon sa PAGASA.