Bading, 'di nagbayad kay 'papa', pinatay

ni Mai Ancheta @News | October 19, 2026

Photo: Suspek sa pagpatay sa isang LGBTQ - Circulated
Patay ang isang 33-anyos na miyembro ng LGBTQ+ matapos umanong makipagtalo sa isang kainuman at itinapon sa isang bakanteng lote sa Brgy. Apokon, Tagum City, Davao del Norte.
Kinilala ang biktima na si alyas Joe, na natagpuang may mga sugat sa ulo na hinihinalang hinampas ng bato o semento.
Nadiskubre ang labi ng biktima sa isang bakanteng lote malapit sa isang ospital.
Isang saksi ang nagturo sa suspek na si ‘Drei’ na huli umanong nakitang kasama ng biktima.
Sa follow-up operations, naaresto ang suspek at narekober mula sa kanya ang cellphone ng biktima at ilang kagamitan na may mga bahid ng dugo.
Sinabi ng suspek sa mga imbestigador na hindi siya binayaran ng biktima matapos umano paligayahin ito at hindi sinunod ang usapan na bibigyan siya ng isang libong piso, kaya nagtalo ang mga ito na nauwi sa pagpatay sa biktima.





Comments