top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mas mahigpit na pagbabantay sa kilos ng China

Writer: BULGAR
BULGAR
10 hours ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | October 19, 2026



Chinese Ambassador Jing Quan - Chinese Embassy Manila.

Photo: Chinese Ambassador Jing Quan - Chinese Embassy Manila



Nanawagan si Dr. Jose Antonio Goitia ng masusing pagbabantay sa mga pagkilos ng Tsina sa West Philippine Sea kasunod ng pahayag ni Chinese Ambassador Jing Quan na madaling mananalo ang Beijing kung gagamit ito ng puwersa laban sa Pilipinas.


Itinuring ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tila banta ang pahayag, habang inilarawan naman ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) bilang hindi direktang banta ng paggamit ng puwersa.


Binanggit din ni Goitia ang mga ulat tungkol sa barkong pandigma ng Tsina na namataan malapit sa Ambulong at Diwaran noong Oktubre 14, gayundin ang presensiya umano ng Chinese maritime militia malapit sa Panatag Shoal.


Kinuwestiyon din niya ang pagtawag sa Pilipinas bilang “troublemaker” at nanawagang linawin ang hindi pa kumpirmadong mga ulat tungkol sa umano'y “Operation Rising Dragon.”


Iginiit ni Goitia, na dapat patuloy na ipagtanggol ng Pilipinas ang soberanya nito at gamitin ang ASEAN Summit sa Nobyembre upang palakasin ang suporta sa mga karapatan ng bansa sa karagatan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page