top of page
BULGARY - PRIME MINISTER NG TIMOR-LESTE, NAPASAYAW SA KANTA NG SB19_IG _officialSB19.jpeg

Super bad breath daw ba? DAVID, 10 MOUTHWASH ANG BAON SA KISSING SCENE NILA NI ASHTINE

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | November 19, 2026



BIDA - DAVID, 10 MOUTHWASH ANG BAON SA KISSING SCENE NILA NI ASHTINE_IG _vivaoneph

Photo: IG _vivaoneph



Nakakatawa ang reaksiyon ng ibang fans sa balitang 10 mouthwash ang inihanda ni David Licauco para sa kissing scene nila ni Ashtine Olviga sa Viva One series na Fight For My Way (FFMW). Tanong nila, bad breath ba ito kaya ganoon karami ang naka-standby na mouthwash?


Paniguradong hindi mabaho ang hininga ng aktor, pero bakit daw ganoon karaming mouthwash ang kanyang inihanda? 


Well, sure na may rason si David kung bakit napakarami nito. Hindi naman siguro whole day ang kissing scene nila ni Ashtine.


Anyway, bukas na, Friday, ang streaming ng FFMW. Malalaman kung susuportahan ng mga fans ang tambalan nina David at Ashtine. Kapag nag-hit, tiyak na may kasunod silang project.


Well, tanggap ng mga fans ang love team dahil na rin sa massive promo ng Viva sa kanilang series. May mall shows, may mga TV guestings at ang pinaka-latest nilang guesting ay sa Family Feud. At kundi kami nagkakamali, first time nag-guest sa GMA si Ashtine at dahil ito sa collab ng Viva at GMA para sa pelikula nila.


And speaking of David, open na ang new branch ng kanyang resto na Sóbra Cafe na nasa Tomas Morato. Pangatlo na raw ito na nabalita noon na itatayo pa lang. Ngayon, bukas at operational na.





EXCITED na si Debbie Lopez sa guesting niya sa concert ni Richard Reynoso. The concert, billed RR40 is happening on December 11 at Teatrino Promenade sa San Juan City. Natuwa pa si Debbie dahil may photo niya sa poster kasama ang iba pang guests.


“So honored to be one of the special guests for Richard Reynoso’s concert. It’s going to be a night of incredible music and memories. Get your tickets now. See you there!” post niya.


Hindi pa nabanggit ni Debbie kung ano’ng song ang kakantahin niya. Panigurado lang, special ang napili niya dahil special sa kanya ang pag-guest sa concert ni Richard.


Well, isa si Debbie sa mga singers na gusto naming sumikat dahil bukod sa talent, masipag siya, and there was a time na sunud-sunod ang release niya ng songs in Cebuano dialect. 


Ipino-promote at pinapalaganap niya ang Visayan music.





Kasama raw sa P22 B project…

SB19, NAG-PERFORM SA ASEAN SUMMIT, MINURA NG NETIZENS



SABI na nga ba at maba-bash ang SB19 dahil nag-perform sa closing ceremony ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit 2026.

Sample ng post na galit sa SB19: 


“P*****ina n’yo, SB19. What do you mean pumayag kayong gawing tau-tauhan ng gobyerno ni Marcos para malibang si Trump??? Habang si Mikha at BINI shouting NO TO PAX SILICA. Eto kayo at kasama pa pala sa 22 Billion budget para dito sa ASEAN???”


Sagot ng mga fans, bakit idadamay ang SB19 sa galit ng iba sa gobyerno? Malamang, inimbitahan ang SB19 at tinanggap ang imbitasyon to perform for the guests. Saka ambassador sila ng tourism ng bansa.


Well, ang daming nagtanggol sa SB19. Nothing to worry at mas marami ang nakakaintindi sa kanila at sa layunin nilang makatulong sa turismo. 

Dagdag pa ng mga fans, proud sila na kasama sa mga performers ang favorite P-Pop group nila.


Isa pa sa mga maba-bash nito ay si Gary Valenciano na nag-perform din kasama ng SB19 at Julie Anne San Jose. 


Na-bash na kasi si Gary nang ma-interview nito sa kanyang podcast si President Bongbong Marcos (PBBM). Inaway talaga siya, maka-gobyerno raw.





GRABE ang face card ng magkapatid na sina Zia at Sixto Dantes. Kahit saang anggulo ay labas pa rin ang ganda at guwapo ng Dantes siblings.


May rason ang mga netizens na kumbinsihin sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na dagdagan pa nila ang kanilang dalawang anak. Sayang daw ang genes kung sina Zia at Sixto lang ang kanilang anak.


Ang maganda pa sa dalawang bagets, hindi lang beautiful faces, talented din. Ang husay kumanta ni Zia. She’s into swimming, football, singing, at plays musical instruments gaya ng guitar, piano, at drums. Sixto is also into football and plays the drums.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page