Love team sa Bahay ni Kuya, ‘di raw ipinu-push… BIANCA, NIRESBAKAN NG NETIZENS, BF DAW NOON SI LINO, MAY ZANJOE SA PBB

ni Julie Bonifacio @Winner | November 19, 2026

Photo: IG _iamsuperbianca
Binatikos ang Kapamilya host na si Bianca Gonzalez dahil sa pinakawalan niyang statement tungkol sa ilang Pinoy Big Brother Collab 3.0 (PBBC3.0) housemates. Kaya pati ang dating isyu sa kanila ni Zanjoe Marudo at dating director-turned-politician na si Lino Cayetano ay nabuhay ulit.
Post ni Bianca sa X (dating Twitter):
“NOT AT ALL pushing any love team or triangle... ‘di ‘yan ang goal ng housemates ‘pag pumasok, and I fully support that.
“My reaction as a viewer like you was how the fandom would react to his decision! And as we see, big reaction nga.
“I was shocked he (Jeo Ong) didn’t choose Nathan, as his friend. But that is the beauty of a reality show, it can take surprising turns.”
Dahil sa sinabi ni Bianca, halata raw na may pinapaboran siya sa loob ng Bahay ni Kuya.
Sey ng mga netizens:
“Ewan ko lang sa paborito ni Kuya na si Shea (Valerio) kung ‘di talaga love team ang goal sa pagpasok, ha? Jeo already nominated Nathan last week, 2 points pa nga, ‘di ba? So, where do you get the assumption that he values their friendship to the point of saving him?”
“Hi, @iamsuperbianca. Sobrang unnecessary ng ‘I was shocked he didn’t choose Nathan.’ ANO PO BANG IPINO-POINT OUT MO? YOU are fueling hate kay Jeo.”
“Pangit ng narrative n’ya, ‘noh! She wants to point out na mas pinili pa ang girl kaysa sa close friend. Sobrang not giving ang statement mo, Bianca!”
Ikinumpara naman ng ibang mga netizens ang sitwasyon ni Bianca noong naging housemate rin siya ni Kuya kasama si Zanjoe. That time, si Lino ang boyfriend ng TV host.
Sey ng isang netizen, “True! Just like when you were inside and you were all over Zanjoe while your boyfriend was waiting for you outside. Kung nangyari ‘yun today? I don’t think you’d still be here. BTW (by the way), for sure, you’ll agree that today’s PBB has changed so much! Kuya’s manipulation is more obvious!!!”
Grabe sila kay Bianca!
MAY hangover pa sa aktingan ni Kathryn Bernardo ang kanyang mga faney sa huling walong gabi ng Someone, Someday.
Muling napabilib ng aktres ang mga netizens, at mas matindi pang aktingan ang matutunghayan sa mga madamdaming eksena ng serye.
Well, inaabangan na rin ang susunod na proyekto ni Kathryn. Wish ng mga faney na mapanood siyang muli sa pelikula at maipareha sa ibang leading man.
Anyway, sa pagtatapos ng kanilang serye, nakagawa pa ng record sina Kathryn, Maja Salvador at James Reid. Sinira ng Someone, Someday at Coco Martin’s Sigabo ang kani-kanilang live viewership records sa YouTube noong Lunes ng gabi (November 16).
Nakapagtala ang Sigabo ng new all-time high na 470,445 peak concurrent viewers sa action-packed episode kung saan napanood si Gabo (Coco Martin) sa bago niyang misyon bilang undercover agent laban sa isang big-time syndicate na pinangungunahan ng mga sikat na rappers na sina Skusta Clee, Flow G, at Uncle Dags.
Habang ang Someone, Someday naman ay nakapagtala ng all-time high na 462,731 peak concurrent viewers sa mas lalong pinatinding kuwento ng serye sa last two weeks.
Ang dalawang programa ay nagmarka ng bagong online viewership records sa Kapamilya Online Live, na available sa ABS-CBN Entertainment YouTube (YT), ang most-viewed channel sa buong mundo sa media and entertainment category, ayon sa Tubular Labs.
Panoorin ang Coco Martin’s Sigabo at Someone, Someday sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YT at Facebook (FB), iWant, at TFC. Unang nag-stream din ang serye nina Kath at James sa Netflix.





Comments