top of page
BULGARY - PRIME MINISTER NG TIMOR-LESTE, NAPASAYAW SA KANTA NG SB19_IG _officialSB19.jpeg

Grand Winner sa Eurovision Asia… CARMELLE, NATUTONG RUMAMPA SA STAGE DAHIL KAY VICE

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Lucille Galon @Special Article | November 19, 2026



SPECIAL ARTICLE - CARMELLE, NATUTONG RUMAMPA SA STAGE DAHIL KAY VICE_IG _carmelle_lite

Photo: IG _carmelle_lite



Hindi maitago ng Kapamilya singer na si Carmelle Collado ang kanyang pasasalamat sa pagbabalik sa It’s Showtime matapos ang makasaysayan niyang pagkapanalo sa kauna-unahang Eurovision Song Contest Asia 2026 na ginanap sa Bangkok, Thailand.


Muling humarap si Carmelle sa madlang people at inawit ang kanyang winning piece na Sobra-Sobra.


Sa kanyang pagbabalik, ibinahagi rin ng singer ang kanyang naging karanasan sa kompetisyon at inaming hindi naging madali ang pinagdaanan niya bago makamit ang tagumpay.


“‘Di ko po s’ya talaga makakalimutan since I made history po. Maraming-maraming salamat since this is the first time na nanalo ng Eurovision Asia,” pahayag niya.


“Actually, challenging din s’ya kasi alam ko, marami talagang magagaling, but then maraming-maraming salamat sa lahat ng bumoto para sa Pilipinas,” dagdag pa niya.

Hindi rin nakalimutan ni Carmelle na pasalamatan si Vice Ganda na nagturo sa kanya kung paano dalhin ang sarili sa entablado at magkaroon ng confidence habang nagtatanghal.


“Sa mga ‘di nakakaalam, s’ya talaga ‘yung nagturo sa ‘kin ng lakad—kung paano ko dalhin ‘yung sarili ko sa stage. Kaya Meme, maraming-maraming salamat,” sey ng singer.


Muli namang mapapanood si Carmelle sa susunod na Eurovision Song Contest na gaganapin sa Burgas, Bulgaria sa susunod na taon.

Congratulations, Carmelle! 





Namatayang ina, P50 lang ang nakuhang abuloy… CARLO, DISMAYADO SA NANGYAYARI SA ‘PINAS



Hindi napigilang mag-react ng aktor na si Carlo Aquino sa kumakalat na balita tungkol sa isang inang P50 lang ang natanggap na burial assistance matapos pumanaw ang kanyang anak.


Sa kanyang official Facebook (FB) account, ibinahagi ni Carlo ang viral post mula sa 89.3 Brigada News FM Cotabato City at ipinahayag ang pagkadismaya sa sinasabing nangyari.


“Parang ‘di na totoo pero nangyayari sa ating mga Pilipino,” sey ni Carlo sa caption ng kanyang post.


Batay sa ulat, nagmula ang kuwento sa social media post ni Reynald Tayongon Ondil tungkol sa isang inang kinilalang si Robie Ondil.


Ayon sa hindi pa beripikadong pahayag, nagtungo umano ang ginang sa municipal government ng San Fernando, Bukidnon, para humingi ng burial assistance matapos pumanaw ang kanyang anak na may kapansanan.


Maghapon umano siyang naghintay ngunit P50 lamang ang naiuwi niya.

Samantala, sinabi ng Brigada News FM na patuloy silang kumokontak sa mga opisyal ng munisipyo upang makuha ang kanilang pormal na pahayag tungkol sa insidente.


Well, totoo naman ang sinabi ni Carlo. Nakakalungkot nga namang may mga ganitong kuwento.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page