Role model daw bilang ama… ELLEN, WALANG PAGSISISI NA SI JOHN LLOYD ANG TATAY NG ANAK

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 19, 2026

Photo: IG _maria.elena.adarna
Habang lumalaki ang anak nina John Lloyd Cruz (JLC) at Ellen Adarna na si Elias ay lalo itong gumuguwapo at artistahin na ang porma. At tulad ni Lloydie, malakas din ang karisma nito.
Ngayon ay magkasama sina JLC at Elias sa pag-eendorso ng isang gamot sa sakit ng ulo at lagnat. For sure, masusundan pa ito ng ibang produkto.
Nakatutuwa ang tandem ng mag-ama. Maging si Ellen ay labis na humanga sa kanilang anak. Masaya siyang panoorin ang pagsasama ng kanyang mag-ama sa isang endorsement.
Well, hindi pinagsisihan ni Ellen na si JLC ang naging ama ni Elias. Isang huwarang padre de familia ang aktor.
ANG laki ng ipinagbago ng personalidad ng aktres na si Snooky Serna nang siya ay mag-mature na. Malayung-malayo sa dating Snooky noon ng Regal Films na lihim na nilalait at pinagtawanan dahil sa kabagalan niyang kumilos. Binansagan pa siya noon na ‘pagong’ ng kapwa niya artista.
Ganunpaman, nanaig ang talento at likas na kababaang-loob ng aktres. Hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa mga taong humamak sa kanya.
Kahit na dumanas siya sa maraming kabiguan sa pag-ibig, hindi siya basta sumuko hanggang sa natagpuan niya ang tunay na pag-ibig.
Ngayon ay marami ang nagtataka sa pagbabago ng personalidad ni Snooky na punumpuno ng wisdom. Napaka-peaceful ng kanyang ambiance at ramdam na maligaya siya ngayon. Nalagpasan na niya ang maraming pagsubok sa kanyang buhay.
At this point in her life, kuntento na si Snooky at wala nang mahihiling pa.
Kasabay nina Apl.de.Ap at Gloc-9…
JILLIAN WARD, BIBIGYAN NG STAR SA WALK OF FAME-PHILS.
MULING magbibigay ng star ang German Moreno Walk of Fame Foundation sa 13 celebrity inductees sa Eastwood Park, Libis sa darating na December 1.
Nasa pamamahala na ng anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno ang Walk of Fame Phils.
Opisyal na nilang inanunsiyo ang Class of 2026 inductees bilang pagkilala sa mga personalidad na nagbigay ng malaking kontribusyon at marka sa kani-kanilang larangan.
Kabilang sa mga pararangalan ngayong taon sina actress Andrea Brillantes, veteran actor and director Eric Quizon, Pinoy rapper Gloc-9, TV personalities Geleen Eugenio, Jillian Ward at Kristina Paner, gayundin ang iconic dance group na Universal Motion Dancers (UMD).
Bibigyang-pagkilala rin ang music personalities na sina Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas at Gloc-9 dahil sa kanilang kontribusyon sa music industry.
Samantala, kabilang din sa mga pararangalan ang mga social media personalities na sina Chinkee Tan, Cong TV, Tim Yap at Wil Dasovich dahil sa kanilang impluwensiya bilang content creator.
Hindi rin pahuhuli ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, na nagbigay ng karangalan sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang makasaysayang tagumpay sa international gymnastics.
Ipinagpapatuloy ang Walk of Fame Phils. na binuo ni Kuya Germs bilang pagpupugay sa mga artistang nagmarka sa showbiz.





Comments