Sumpa raw ‘yun, binu-bully siya… ANDREA: HIRAP MAKAHANAP NG KAIBIGAN DAHIL MAGANDA
- BULGAR

- Feb 8
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 8, 2025
Photo: Andrea Brillantes - Instagram
Nag-react si Janno Gibbs sa “the curse of being pretty” na story sa Instagram (IG) ni Andrea Brillantes.
Ini-repost ng singer ang quote card ng aktres tungkol sa “curse of being pretty” matapos maging Top 1 ni Andrea sa isang beauty poll.
Sa Instagram (IG) ni Blythe (real name ni Andrea), nakalagay na: “I feel like when you’re under the curse, ‘di mo mare-recognize that you are. Noong nursery to grade school, hirap akong magkaroon ng friends. Hirap ako makapili ng friends. Lagi nila akong binu-bully,” ani ng Kapamilya actress.
Sey niya, “Hindi ko talaga naramdaman na maganda ako. Hindi talaga. ‘Yun ang sinasabi sa ‘kin. Laging [ipinaparamdam] sa ‘kin na hindi ako enough for them. Hindi ako makahanap ng community sa girls.”
Reaksiyon ni Janno Gibbs, “I know exactly how you feel.”
Dating sexy star, kung kelan 39-anyos na…
ALECK, UMAMING TIBO, MAY DYOWA NGAYON
IBINULGAR ni Aleck Bovick ang tungkol sa kanyang tunay na gender identity.
Guest ang sexy actress sa Lutong Bahay (LB) na hino-host ni Mikee Quintos.
Sa programa, inamin niyang miyembro siya ng LGBT community—malayo sa mga roles na ginagampanan niya bilang sexy actress.
Aniya, “Bata pa lang kasi ako, meron na ‘kong napi-feel, napapansin sa sarili ko, pero ‘di ko s’ya pinansin, in-entertain. Tuluy-tuloy lang. The way ako kumilos, the way ako pumorma, the way ako magsalita.”
Nalaman na lang daw niya ang tunay niyang identity noong siya ay 39 years old na.
Nang magpo-40 na raw siya, saka niya naisip na parang may kulang sa kanyang sarili.
Aniya, “Hindi ko alam ano ‘yun, so para kang hinahanap mo, ano’ng mali? Parang may kulang, tapos ‘yun na. ‘Yun na.”
Natanong siya ng Kapuso actress kung may karelasyon siya ngayon.
Sagot niya, “Yes, nasa LGBT world tayo ngayon.”
Pag-amin pa niya, medyo nahihirapan pa siyang tanggapin ang kanyang tunay na identity.
“Noong una, yes. Totoo ba? Tanda ko na, ha, ano na lang sasabihin nila? Paano ‘yung ganito? Totoo ba ‘to? Mako-confirm ko ba sa sarili ko? Tapos parang sabi ko, ‘Eh, kiber. Kung ganito talaga ako, kailangan kong tanggapin. Kailangan ko siyang i-accept,’” sabi ni Bovick.
Aleck pointed out na deserve rin niyang maging masaya sa buhay.
“You deserve it. I think after everything that you went through, it’s about time na kayo naman ang masaya, na ma-feel n’yo naman ‘yung love na ibinibigay n’yo sa iba,” sabi ni Mikee.
Aniya, “Hindi ka naman selfish ‘pag pinili mo rin namang mahalin ‘yung sarili mo.”
Ibinahagi rin niya na bukod sa pagiging aktres, pangarap din daw niyang maging sundalo.












Comments