top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

‘Di raw galing sa maleta, sa kahon lang… SEN. ROBIN, NAG-FB LIVE! NG SANDAMAKMAK NA PERA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 11
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 11, 2026



WINNER - SEN. ROBIN, NAG-FB LIVE! NG SANDAMAKMAK NA PERA-FB Robin Padilla

Photo: FB Robin Padilla / Circulated



Viral ang video ng staff ni Sen. Robin Padilla habang nagbibilang at nagpapasok ng cash money sa brown envelope.


Sandamakmak ang tig-P1 thousand bill na nakalagay sa isang kahon, gayundin ang brown envelope na paglalagyan ng pera.


Ipamimigay daw ito sa mga kababayan nating biktima ng lindol sa Davao.

Pahayag ni Sen. Robin sa video, “Sila po ay naghahanda para sa aming isasagawa. ‘Di naman po ito bago dahil madalas na po itong ginagawa ng aming opisina. Parang ano na po ito, normal na.


“‘Yan po ay ‘pag may ganitong sakuna, tayo po ay nakikiramay sa mga kababayan natin. Medyo mahigpit lang po ang sinturon ngayon. Dati po, makapal na makapal ‘yan. Hahaha! Ngayon po ay… tsk, pinipilit naming makatulong.”


Dati raw ay tig-P10K ang ibinibigay ni Sen. Robin kapag may namatayan. Pero ang mga inilalagay na pera sa sobre, ayon sa Facebook (FB) Live ni Sen. Robin, ay tig-P3K na lang.

Kasama ni Sen. Robin sa kanyang opisina habang nag-e-FB Live ang kanyang kapatid na ama ni Daniel Padilla na si Rommel Padilla.

Kuda ng mga netizens…


“‘Yan ang tunay na tulong, galing sa puso, ‘di galing sa maleta.”

“Gawa, ‘di ngawa.”


“Saan galing ‘yan, idol? For sure naman, ‘di sa maleta.”

“Maganda ‘yan, idol Sen. Robin. ‘Di galing sa maleta, galing lang sa karton. Hahaha! Joke!”

“Galing din sa kaban ng bayan.”

Ganern?





BINALIKAN ng aktres na si Yen Santos ang dati niyang eskuwelahan noong high school sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.


Ibinahagi ni Yen sa Instagram (IG) ang mga larawan ng pagbisita sa kanyang dating paaralan, ang College of the Immaculate Conception (CIC).

Caption ni Yen, “Visited CIC today. A lot has changed!! But the HS (highschool) memz (memories) stay forever.”


Muli ring mapapanood si Yen sa bagong Kapamilya series na The Loyalty Game (TLG), kung saan makakatrabaho niya ulit si Jericho Rosales.


Unang nagtambal sina Echo at Yen sa ABS-CBN primetime series na Halik noong 2018. Kasama rin noon sina Sam Milby at Yam Concepcion.


Komento ng isang netizen sa IG post ni Yen, “Miss ko pa kayo ni Sam... Sayang, ‘di nakasama sa new series n’yo with Jericho.”

Ang suspense-thriller series na The Loyalty Game ay handog ng ABS-CBN Studios at Prime Video.


Tumatalakay ito sa pag-ibig, tiwala, at katapatan. Pinagbibidahan ito nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez at mapapanood sa Prime Video simula Hulyo 3.


Makakasama nina Jericho, Janine at Yen sa serye sina Charlie Dizon, Sofia Andres, Yassi Pressman, Elisse Joson, Kira Balinger, Maika Rivera, at Carmina Villarroel. Ang serye ay sa direksiyon ni Mae Cruz-Alviar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page