top of page
SPECIAL - KIM, TAMEME SA KASAL DAW NILA NI PAULO SA US-IG _chinitaprincess.jpg

Pag-uwi ng ‘Pinas galing US, mamadaliin daw… PACQUIAO, NAGPRAMIS NG TULONG SA MGA NILINDOL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 11
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 11, 2026



BIDA - PACQUIAO, NAGPRAMIS NG TULONG SA MGA NILINDOL-IG _mannypacquiao

Photo: IG _mannypacquiao



Nagpaabot ng pakikisimpatya si Manny Pacquiao sa mga naapektuhan ng magnitude 7.8 lindol sa Mindanao. Kabilang sa mga lubos na naapektuhan ang kanilang lugar na General Santos City (GenSan).


Sabi ni Manny, “Though I am currently here in the United States fulfilling prior commitments, I am monitoring the situation closely and coordinating with our teams on the ground to ensure that help reaches those who need it most as quickly as possible.


“You are not alone in this. We will face this challenge together and rebuild as one.”

May sinabi pa si Manny na, “I am working to expedite my return so that I can be there in person to stand with you, listen to your needs, and personally help in our recovery efforts.”


Nasa Amerika si Manny at ang pamilya nito dahil sa kasal ng eldest son nila ni Jinkee na si Jimuel Pacquiao. Proud grandparents sina Manny at Jinkee dahil may anak na si Jimuel at ang wife nito.




NAGPASALAMAT ang mga Filipino fans ni Thalia sa ginawa nitong pakikisimpatya sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.


Mensahe niya, “Philippines, I’m deeply saddened by the news of the earthquake. Keeping everyone affected in my thoughts and prayers, and sending love, strength, and light during this difficult time.”


Sikat na sikat sa bansa si Thalia, ang Mexican singer-actress na napanood sa mga seryeng Marimar, Maria Mercedes at Rosalinda.





SOBRANG tapang ng VMX (Vivamax) series na Helena at ganu’n din ng mga bidang sina Jenn Rosa at Lea Bernabe, pati ang kasama nilang aktor na si Van Allen Ong. 

Hindi madi-disappoint ang mga fans ni Jenn na nagbabalik sa VMX series matapos mag-concentrate muna sa studies.


Nasabi naming matapang si Jenn dahil ibinuyangyang ang kanyang private parts. May eksena siyang frontal nudity at walang plaster. 


Katwiran nito, ginawa naman niya ang paghuhubad kaya ibinigay na rin niya ang lahat ng kailangan sa eksena at hiningi ni Direk Omar Deroca para sa role niyang isang healer.

First time maghubo’t hubad sa pelikula si Jenn at para rin daw sa ikagaganda ng pelikula ang pagpayag niya sa nudity scene. Nagandahan din siya sa tema at storyline ng pelikula at baka makasira kung magho-hold back siya.


Hindi rin nagpatalo ang kasamang si Lea dahil bigay na bigay din ito sa kanyang mga eksena. Kung may nudity scene si Jenn, nagpakita naman siya ng boobs at ang katwiran nito ay para sa ikagaganda ng pelikula kaya niya ginawa ang eksena.


Biniro naman si Van Allen na ang suwerte-suwerte niya dahil dalawang naggagandahan at nagseseksihang aktres ang kasama niya na walang arte sa pagbubuyangyang ng katawan. Walang naniwala na hindi siya tumingin sa mga hubad na katawan ng dalawang co-stars kapag hindi kailangan.





PINABILIB ni Miguel Tanfelix ang mga nakapanood sa kanya nang gawin ang Michael Jackson performance number sa All-Out Sundays (AOS). 


Swak daw ang caption na ‘Miguel Tanfelix channeling the moves of the King of Pop, Michael Jackson, together with Power Impact Dancers’.


Ang husay-husay ni Miguel kaya puro papuri ang mga fans at showbiz friends niya. Ang suwabe raw ng moves nito, gusto nila ang pitik, at may nag-comment ng “No one else can do this like Miguel! Nag-iisa ka lang!” “Smooth like butter,” at “Do more prods like this.”


May mga requests na nga na more MJ prods pa para kay Miguel at ‘yung may moonwalk dance steps naman daw. May nag-request pa ng Bruno Mars number at alam nilang kayang-kaya ito ng aktor.


Lalong humanga ang mga fans kay Miguel sa pagiging versatile nito dahil kung sa Taskforce Firewall (TF) ay nag-a-action siya, sa AOS naman ay kumakanta at sumasayaw. Idagdag pa na nagho-host din siya ng Planet XP.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page