Mister ni Sarah, kahit magaling… MATTEO, PINALITAN NI RAYMOND BILANG HOST
- BULGAR

- 48 minutes ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 11, 2026

Photo: IG _mateog & _mond
Marami ang nanghihinayang kay Matteo Guidicelli sa pagkakaalis niya sa programang Agenda ng Bilyonaryo News Channel (BNC). Si Raymond Gutierrez ang pumalit sa segment ni Matteo G.
Okay pa naman si Matteo at magaling mag-deliver ng balita. Kaya rin niya ang one-on-one show, tulad ng ginagawa niya sa Matteo G. Primetime.
Marami ring magagandang komento sa interview niya kay Nico Bolzico, ang mister ni Solenn Heussaff. Kalmado at kaswal ang kanyang estilo sa pakikipag-usap sa kanyang special guest.
Well, mas gagaling pa sa hosting si Matteo Guidicelli kung mabibigyan ng magandang exposure.
Total performer daw…
JILLIAN, PALIT KAY AI AI BILANG JUDGE
May mga netizens ang nagtatanong kung bakit wala na si Ai Ai delas Alas bilang isa sa mga judges sa The Clash (TC), samantalang na-retain si Christian Bautista.
At bakit daw si Jillian Ward ang ipinalit bilang isa sa mga judges, gayung mas credible umano si Ai Ai?
Well, depensa naman ng mga fans ni Jillian Ward, 21 years old na ang aktres at multi-talented dahil marunong sumayaw, kumanta at magaling ding umarte.
Bukod dito, sa The Clash Teens (TCT) Edition siya magdya-judge kaya halos kaedaran niya ang mga contestants.
Sa tagal na rin ni Jillian sa showbiz, na nagsimula bilang child star, marunong na siyang kumilatis ng tunay na talento.
At wala naman sigurong hinanakit si Ai Ai delas Alas kung na-out man siya bilang isa sa mga judges ng The Clash.
Samantala, new look ngayon si Jillian Ward dahil nagpa-blonde siya ng buhok tulad ni Andrea Brillantes. Medyo nag-mature na ang kanyang hitsura kumpara dati.
Na-impressed nga si Christian Bautista kay Jillian Ward dahil todo-todo siyang mag-perform sa All-Out Sundays (AOS).
WALANG hanggang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob ang ipinaabot ni Ryzza Mae Dizon kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) dahil ipinaglaban siya ng mga ito noong binalak siyang alisin sa dating Eat… Bulaga! (EB!) na produced pa ng TAPE, Inc..
Mas pinili ng TVJ na iwanan ang dating producer ng show kaysa alisin si Ryzza Mae at ang iba pang hosts. Hindi pinanghinayangan ng TVJ na mawala sila sa show bilang suporta sa mga dating hosts.
Matagal na naging bahagi ng noontime show si Aleng Maliit (Ryzza Mae) at malaki ang ambag niya sa mataas na ratings ng programa. Maraming viewers ang tumutok sa EB! dahil kay Ryzza Mae. Marami ring bata ang natuwa sa pagiging bibo niya.
Hindi sinolo ng TVJ ang kredito sa tagumpay ng EB!. Itinuturing nilang pamilya si Ryzza Mae, tulad ni Ice Seguerra.
May balita ngayon na planong magsamang muli nina Bossing Vic at Ice sa isang pelikulang ilalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026. Magandang ideya sana kung isasama rin sa Vic-Ice movie si Ryzza Mae Dizon.





Comments