top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sumo-wrestler, tegi sa brain injury; Kobe Paras, muntik mag-suicide

BULGAR
May 1, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | May 1, 2021




Pumanaw ang isang sumo wrestler sa Japan matapos magtamo ng brain injury dahil sa nilahukan nitong kompetisyon.

Ayon sa ulat, isang buwang na-ospital ang sumo-wrestler na si Mitsuki Amano bago ito tuluyang nalagutan ng hininga bunsod nang matinding pamamaga at pagdurugo ng utak. Sinabi ng pamilya ni Amano, natamo nito ang injury mula sa nilahukang kompetisyon noong nakaraang buwan. Ikinuwento ng Japan Sumo Association na pumalo ang ulo ng manlalaro sa sahig sa kasagsagan ng matinding laban. Binatikos pa ang nasabing torneo dahil inabot pa ng limang minuto bago lapatan ng lunas ang manlalaro.


Nanawagan naman nang reporma sa torneo ang maraming sumo-wrestler dahil sa inabot na trahedya ng 28-anyos na wrestler.


Samantala, isiniwalat ni Kobe Paras na dumanas siya ng matinding depresyon at muntik nang magpakamatay nang bumalik ito sa Pilipinas apat na taon na ang nakararaan. Ito ang isiniwalat ng batang basketball star sa kanyang tweet noong Huwebes. "When I moved back to the Philippines 4 years ago, I was at my lowest. I was depressed, suicidal, I just felt so lost," ani Paras. "Until now there are days I don’t feel like me," dagdag nito. Matatandaang naglaro si Paras, anak ni basketball great Benjie at celebrity Jackie Forster, ng ilang taon sa collegiate sa United States bago umuwi ng Pilipinas. Naging bahagi ito ng UP basketball team noong 2018.


Nag-post na rin si Paras ng ilang litrato na nag-eensayo na ito sa US. Pinayuhan ng dating Fighting Maroon star ang ilang mga manlalarong dumanas ng kanyang naging problema.

"Whatever you’re going through, find a purpose and stick to it. It’s not easy at all. Only you can save yourself," ani Paras.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page