top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Style, buking ng netizens… DEREK, PAKAKASALAN SI ELLEN PARA ‘DI MAPAHIYA NA HANGGANG PRAMIS LANG

BULGAR
May 10, 2021
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 10, 2021




Ipinost ni Derek Ramsay sa kanyang social media account ang mensahe niya sa mga bashers.


Aniya, “The opinion of 10,000 men is of no value if none of them know anything about the subject – Marcus Aurelius.”


Sa kabila nito ay hindi pa rin siya tinantanan ng mga bashers. Katunayan, lalo pang nadagdagan ang mga taong negative ang tingin sa kanyang personalidad.


Komento pa ng mga netizens, “Ingay nito! Ayaw na lang magpokus kay Ellen!”

“Wala pa bang offer ang GMA?”


“Kaya nga s’ya binash dahil sa pokus n’ya kay Ellen. Distraction lang ‘yung kay Andeng.”

“Wala palang value ang opinion ng iba, so ano ‘yang kuda mo? Bakit bothered ka, koya (read: kuya)?”

“Sa dami mong ganap at dakdak sa socmed, alam na alam na ng mga utaw ang galawan mo, Derek. Love life is free publicity. ‘Yun na.”


“Kahit naman mag-post ka ng ganyan, basher will always be a basher! Saka masyado kang maingay, Derek. Para kang ‘di lalaki.”


“Joking aside. Parang ngayon lang ‘ata siya nagkaganito. Tanda ko, kahit ang daming hanash ni Angge (Angelica Panganiban) dati sa kanya, hindi siya ganito mag-handle ng issue. Parang now, nawalan na siya ng class at breeding.”


“Hindi naman nag-ingay si Angge noon. Late na nga s’ya nagsalita. Nu’ng breakup lang nila ni JL s’ya nagsabi na pinaka-worst ‘yung relationship nila ni Derek dahil ginawa siyang kabit nang ‘di niya alam. Married pa pala kasi si Derek.”


“I have no doubt na sa part ni Derek, tuloy ang kasalan. It’s his saving grace. To prove everyone wrong. Pero feeling ko talaga, si Ellen, biglang magsa-sayonara sa kanilang dalawa. She may be walwal but I don't think that she's stupid and martyr. I wouldn't blame her, jusko! The way Derek keeps on blabbing about his ex.”


Pinansin naman ng isang netizen ang pag-like ni Gretchen Barretto sa post ni Derek.


Sey ng netizen, “In fairness, si Mareng Greta, naka-like. Hahahahaha!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page