Stronger and better daw… KALAT NA: KRIS, MAGBABALIK-SHOWBIZ NA
ni Julie Bonifacio @Winner | September 24, 2023

Nabuhayan ng loob ang mga supporters ni Kris Aquino sa balitang magbabalik na ulit siya sa showbiz.
Sa verified Twitter account ni Kris ay may nag-post ng throwback video niya habang nag-aabang sa pagbubukas ng elevator sa isang building.
Sa caption ay nakalagay: “Our Queen will be back very soon, STRONGER and BETTER! We miss you, Kris, ALWAYS!”
How we wish na true na stronger and better na talaga si Kris at kaya na niyang mag-showbiz muli. Iba rin kasi kapag nandiyan sa showbiz si Kris.
“Yes po, ipagpe-pray ka namin sa agarang paggaling, Miss Kris. Happy-happy lang. Ingat and God bless and see you soon on TV.”
“For now, kasama mo kaming manalangin para sa ‘yong mabilis at agarang kagalingan. Mahal ka namin, palagi!”
“Wow, Madam Kris Aquino! God bless, watching from DUBAI, UAE.”
Sa true lang, ang daming mga sikat at mahuhusay na artista ang nawala at napunan ang nabakante nila. Pero ‘yung trono ni Kris bilang Queen of Talk sa lokal na aliwan, bakanteng-bakante pa rin, ha?
Sa pagbabalik ni Kris, for sure, marami na naman ang mai-insecure.





Comments