Stop sa pagpapa-sexy… AJ, TINANGGIHAN ANG REMAKE NG SCORPIO NIGHTS, BALIK-ISKUL

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 20, 2022

Tinanggihan ni AJ Raval ang remake ng orihinal na Scorpio Nights na ipinalabas noong 1985 at idinirek ng namayapang si Peque Gallaga na pinagbidahan nina Anna Marie Gutierrez, Daniel Fernando at Orestes Ojeda (SLN).
Ayon kay AJ, lie-low muna siya sa paggawa ng sexy films dahil gusto niyang bumalik sa pag-aaral ngayong Hunyo.
“Actually, kung mas nagawa nang earlier ang Scorpio Nights or this month, April, siguro magagawa ko pa rin po. May goal po kasi ako, this June, pasukan na po at plano kong mag-enroll kaya lie-low po muna ako sa pagpapa-sexy. Mag-aaral po muna ako,” sagot ng sexy star sa virtual mediacon ng latest movie niyang Kaliwaan kasama sina Vince Rillon, Denise Esteban, Juami Gutierrez, Felix Roco at Mark Anthony Fernandez, mula sa direksiyon ni Daniel Palacio for Viva Films.
Naibahagi rin ni AJ na noong bago pa lang siya sa Viva ay napag-uusapan na nila ito ni Boss Vic del Rosario at ng manager niya na siya ang bibida sa Scorpio Nights kaya excited siya noon, pero hindi naman agad nagawa dahil nabigyan siya ng ibang projects na nagkasunud-sunod na nga.
Nabanggit ni AJ na nakipag-usap siya kay Boss Vic kasama ang manager niya na gusto niyang mag-aral ulit at naintindihan naman daw ito ng Viva boss.
Tuloy pa rin naman daw ang pagso-showbiz niya dahil kaya namang pagsabayin ang pag-aaral at paggawa ng pelikula.
“'Yun nga lang po, lie-low na ako sa paggawa ng sexy. Siguro, gagawa po ako, ‘yung meaningful na sexy movie kung sadyang hindi maiiwasan.”
Inamin din ni AJ na may hindi rin siya nagustuhan sa script ng Scorpio Nights kaya isa rin sa mga dahilan kaya hindi na niya itinuloy.
“Script po? Well, ayoko pong magsinungaling pero may ganu’n ding part sa akin sa Scorpio Nights kasi parang nagbabawas na rin ako sa pagpapa-sexy at napag-usapan na namin ito ng manager ko at ng Viva.
“Wala naman pong problema na magpa-sexy, itutuloy ko pa rin naman pero gusto ko rin pong matupad ‘yung dream ko na mag-action,” katwiran ng aktres.
Samantala, hindi pa itong Kaliwaan ang huling sexy film niya dahil marami pa siyang natapos na at abangan na lang kung anu-ano ang mga ito. Bale ikawalong pelikula na ito ni AJ na mapapanood sa Vivamax sa Abril 29.





Comments