Stampede sa templo sa India, 7 patay, 19 sugatan
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Justine Berganio @Overseas News | August 18, 2026

Photo: Ang stampede sa Ashok Dham Temple sa Bihar's Lakhisarai - India Today
Pito katao ang nasawi habang 19 ang sugatan matapos mauwi sa stampede ang kaguluhan sa Ashok Dham Temple sa Lakhisarai district, Bihar, India nitong Lunes.
Nagtipon ang malaking bilang ng mga deboto sa templo para sa pagdiriwang ng banal na buwan para sa mga Hindu nang kumalat ang ulat na bumagsak ang isang poste ng kuryente sa loob ng compound.
Ayon sa pulisya, pinaniniwalaang may mga taong nakuryente matapos bumagsak ang poste, dahilan upang mataranta ang mga deboto at magsimulang magsiksikan. Gayunman, patuloy pang bineberipika ng mga awtoridad ang eksaktong pinagmulan ng insidente.
Isinugod sa mga ospital ang mga biktima habang ipinakita sa mga ulat ang mga kamag-anak na nagtipon sa mga pagamutan habang inililikas ng mga rescuer ang mga nasugatan.
Sinabi ni Lakhisarai District Magistrate Shailendra Kumar na kontrolado na ang sitwasyon at patuloy ang imbestigasyon. Naglaan naman si Bihar Chief Minister Samrat Choudhary ng 400,000 rupees (P256K) na ayuda para sa pamilya ng bawat nasawi.





Comments