top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

100 riders nagka-brain injuries sa rollercoaster

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | October 1, 2026



X2 rollercoaster ng Six Flags Magic Mountain sa California - Wiki - YT - Circulated

Photo: X2 rollercoaster ng Six Flags Magic Mountain sa California - Wiki / YT / Circulated



Permanenteng isasara ang X2 rollercoaster ng Six Flags Magic Mountain sa California matapos umanong magreklamo ang mahigit 100 riders na nakaranas sila ng brain injuries.


Sarado na ang naturang ride mula Hulyo at nagpasya ang pamunuan na tuluyan na itong i-retire kahit pumasa umano ito sa serye ng safety tests.


Nasa 400 katao naman ang nakipag-ugnayan sa law firm na kumakatawan sa ilan sa mga nagsampa ng kaso laban sa parke. Kabilang dito ang pamilya ng 22-anyos na si Christopher Hawley, na namatay matapos sumakay sa X2 noong 2022.


Unang binuksan bilang X noong 2002, isinara ito makalipas ang ilang buwan dahil sa design flaws at muling isinara noong 2007 para palitan ang mga tren. Muling nagbukas bilang X2 noong 2008 at mahigit 16 milyon na umano ang nakasakay rito.


Ayon sa Six Flags, kaligtasan ng riders ang pangunahing dahilan ng pagsasara, habang iginiit ng mga abogado ng mga biktima na huli na ang desisyon para sa mga taong umano’y napinsala na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page