top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | August 28, 2023



ree

Patay ang 12 katao habang sugatan naman ang 80 sa nangyaring stampede ng sports fans na sinubukang makapasok sa Madagascar’s national stadium para sa opening ceremony ng Indian Ocean Island Games.


Hindi pa rin malinaw kung ano ang sanhi ng stampede, pero sa parehong insidente sa Mahamasina stadium noong 2019, na hindi bababa sa 15 katao ang namatay.


Ayon pa sa Prime Minister na si Christian Ntsay, 11 sa mga sugatan ay nasa kritikal na kondisyon ngayon.


Matatandaan na ang Indian Ocean Island Games ay nilikha ng International Olympic Committee noong 1977, at kinabibilangan ng mga atleta mula sa Mauritius, Seychelles, Comoros, Madagascar, Mayotte, Réunion at Maldives.





 
 

ni Lolet Abania | November 6, 2021


ree

Nasa walo ang nasawi habang marami ang nasaktan nang dumugin ng mga tao ang ginanap na Astroworld musical festival sa Houston, Texas, USA nitong Biyernes, ayon sa mga awtoridad.


“The crowd began to compress towards the front of the stage and that caused some panic and it started causing some injuries,” pahayag ni Houston fire chief Samuel Pena sa isang press conference.


Batay sa ulat, tinatayang 50,000 indibidwal ang dumalo sa Astroworld Festival sa NRG Park ng nasabing siyudad, nang ilan sa mga audience ay biglang nagpuntahan sa stage.


Nagsimulang dumagsa ang mga tao, bandang alas-9:00 ng gabi ng Biyernes local time (0200 UTC Sabado) sa event.


Ayon pa sa mga awtoridad, kitang bumagsak na walang malay ang mga biktima at lumala pa ang kaguluhan sa festival ng alas-9:38 ng gabi, habang nagkaroon na ng mass casualty o namatay sa insidente.


“We had at least eight confirmed fatalities tonight and scores of individuals that were injured,” sabi ni Pena, subalit hindi pa nila makumpirma ang sanhi ng pagkamatay ng mga biktima dahil aniya, hinihintay pa nilang makumpleto ang medical examinations ng mga ito.


Sinabi rin ni Pena kung paano nag-umpisang mag-crush o magsiksikan ang mga tao patungo sa stage nang ang rapper na si Travis Scott ay nagpe-perform na.


“We transported 17 patients to the hospital... 11 of those that were transported were in cardiac arrest,” saad pa ni Pena.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 30, 2021


ree

Patay ang 44 katao at 150 ang sugatan matapos mauwi sa stampede ang overcrowded na religious bonfire festival sa Israel ngayong Biyernes.


Ayon sa ulat, karamihan ng mga dumalo sa taunang pagdiriwang ng kapistahan ng Lag BaOmer sa Mount Meron ay ultra-Orthodox Jews at nang palabas na ang mga tao sa makitid na tunnel-like passage, dahil sa madulas na hagdan, nalaglag ang ilan sa mga ito na naging sanhi ng stampede.


Ayon sa opisyal ng national emergency service na Magen David Adom (MDA), kaagad nagpadala ng mga helicopter upang ma-rescue ang mga sugatan sa insidente.


Tinatayang aabot sa 100,000 ang dumalo sa festival.


Samantala, ang Mount Meron ay isa sa mga itinuturing na holiest sites at ang naturang religious activity ay isa sa mga largest gatherings na naganap sa Israel mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page