Stalzer, ipinanalo ang Cargo Movers; Army iniwan sa giyera
- BULGAR
- Oct 19, 2022
- 1 min read
ni VA / MC - @Sports | October 19, 2022

Sa wakas, matapos ang dalawang diretsong pagkatalo, buong lakas na pumalo ang F2 Logistics sa win column at ginisa ang wala pa ring panalo na United Auctioneers Inc-Army, 25-17, 25-21, 25-16, sa pagpapatuloy ng 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig.
Ibinuhos ni Lindsay Stalzer ang unang ngitngit mula sa pagkadismaya sa Lady Troopers sa bisa ng itinarak na 24 puntos, 23 attacks at 10 excellent receptions.
Hindi na nakapaglaro si Kalei Mau na nagtarak lamang ng 8 puntos sa kalagitnaan ng laban dahil sa nanakit ang mga paa nito at hindi na nakabalik sa court. Walong puntos naman ang nagawa ni Kianna Dy habang si Ivy Lacsina ay may 3 blocks at kabuuang 7 puntos.
Mula sa kalamangan na 2 puntos, hinila pa ng Cargo Movers sa 10-4 ang iskor, mula sa atake ni Kianna Dy para kunin ang panalo sa first set, 25-17.
Nakaligtas ang Lady Troopers sa dalawang set points sa second, 21-24, pero hindi pumayag si Lindsay Stalzer sa block ni Jovelyn Gonzaga sa net at binura nang tuluyan ang tangka ng huli para sa F2 Logistics na bingwitin ang lahat ng set, 25-21.
Pero muling pumalaot ang Cargo Movers pagpasok ng third frame sa 17-7 advantage at hindi na lumingon pa. Umangat na ang F2 Logistics sao 1-2 para sa eighth standing at iwan ang UAI-Army na nag-iisang team na wala pang panalo, 0-3.








Comments