Sarno at Ceniza matapos ang Olympics, out na sa team
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | November 6, 2025

Kapwa hindi na nasilayan sa Philippine national team sina Olympian weightlifters Vanessa Sarno at John Febuar Ceniza matapos ang kampanya sa 2024 Paris Olympics, na naging dahilan ng pagkaka-suspinde sa kanila ng 2-taon ng International Testing Agency kasunod ng umano'y paglabag sa kautusan sa Anti-Doping Rule Violation (ADRV).
Inihayag ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) President Monico Puentevella na hindi na nagpakita ang dalawang weightlifters sapul noong Summer Olympic Games, kaya’t tuluyan na rin umanong napatalsik sa national team.
“After the Paris Olympics campaign, neither of them showed up in the national team. That’s why this two-year ban that was imposed by the ITA was according to their whereabouts and not because of doping issues,” pahayag ni Puentevella sa Bulgar Sports kahapon. "They were both missing since the Paris Olympics."
Parehong may 2-year ban ang dalawang international medalists. Ang Cebuano weightlifter naman na si Ceniza ay naging pareho ang kinalabasan matapos maglatag ng “Did Not Finish” sa men’s 61kgs matapos pumalya sa 125kgs sa snatch, kaya’t hindi na ito kuwalipikado sa clean and jerk.
Epektibo ang ban simula Agosto 4, 2025 hanggang Agosto 3, 2027, habang si Ceniza ay mula Okt. 17, 2025 hanggang Okt. 16, 2027. Hindi na naglabas pa ng apila si Sarno sa Court of Arbitration for Sport, na nakasaad sa Article 13.2.3 of the IWF ADR, habang may tsansang iapila ni Ceniza ang kaso sa parehong tanggapan.
“Just pray he’ll be back after two years. His only violation is not reporting his whereabouts. Means it’s not doping. Just not reporting where he is,” pahayag ni Puentevella. “Discipline has always been an SWP rule. But they can tryout ulit sa National Open,” dagdag ng dating (PSC) commissioner at lawmaker sa Bacolod City.
Ihahalili kay Ceniza si Asian Youth and Junior Weightlifting Championships 2025 gold medalist Albert Ian Delos Santos para sa 2025 Bangkok, Thailand SEAG at 2026 Nagoya-Aichi Asian Games. Si Delos Santos ay may junior world record na 185kgs sa 71kgs division sa 2025 IWF World Championships sa Norway.
Aakyat ng timbang si 2-time Olympian Elreen Ando habang muling susubok si Diaz-Naranjo sa 59kgs category. Sinikap kunan ng pahayag ng Bulgar Sports si Sarno, subalit hindi ito tumugon habang inilalabas ang balitang ito.








Comments