Sports center, lehitimong proyekto ng barangay
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 22, 2022
Dear Chief Acosta,
Nais pong magpatayo ng aming barangay ng isang sports center, lalo na’t matatapos na ang pandemya at upang magkaroon na ng ligtas at makakalusugang libangan ang mga tao sa aming lugar. Maaari bang gawing prayoridad ang ganitong proyekto sa
isang barangay?
Ena
Dear Ena,
Para sa inyong kaalaman, ang Section 17 ng Republic Act (R. A.) No. 7160 na kilala bilang Local Government Code of the Philippines, ang batas na makatutugon sa inyong katanungan. Sa nabanggit na probisyon ng batas nakalista ang mga pangunahing serbisyo at pasilidad na dapat ibigay at/o responsibilidad na idulot ng isang barangay. Ayon sa nabanggit na probisyon, ang mga serbisyo at pasilidad na ito ay ang mga sumusunod:
“Section 17. Basic Services and Facilities. –
(a) Local government units shall endeavor to be self-reliant and shall continue exercising the powers and discharging the duties and functions currently vested upon them. They shall also discharge the functions and responsibilities of national agencies and offices devolved to them pursuant to this Code. Local government units shall likewise exercise such other powers and discharge such other functions and responsibilities as are necessary, appropriate, or incidental to efficient and effective provisions of the basic services and facilities enumerated herein.
(b) Such basic services and facilities include, but are not limited to, the following:
(1) For Barangay xxx (vi) Infrastructure facilities such as multi-purpose hall, multipurpose pavement, plaza, sports center, and other similar facilities […] (Binigyang-diin)
Samakatuwid, malinaw na responsibilidad ng pamunuan ng isang barangay ang pagpapatayo ng imprastraktura na tulad ng sports center. Ang pagpapatayo nito ay sang-ayon sa batas at ito ay isang legal na proyekto. Kung mayroong sapat na alokasyon sa budget ang barangay para rito, maaari itong maging prayoridad na proyekto ng pamayanan.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments