Spiker's Turf: VNS tinalo ang Ateneo sa 5-set
- BULGAR
- Sep 1, 2022
- 1 min read
ni MC / Anthony E. Servinio - @Sports | September 1, 2022

Sa bisa ng tikas ni VNS One Alicia Griffins,nanaig sila sa Fudgee Barr-Ateneo sa first game ng 2022 Spikers' Turf Open Conference Martes ng gabi sa Paco Arena.
Ang binalasang VNS ay tumapos ng 25-21, 22-25, 25-20, 23-25, 15-9 win upang makasalo ang Cignal HD sa tuktok ng table rank sa Day 1 ng torneo.
Nabuhayan sina Ben San Andres at Mark Montemayor sa fifth set upang palakasin ang VNS, habang si veteran setter Ish Polvorosa ay nagpakitang-gilas sa bakbakan na may natipong 29 excellent sets.
Nakagawa si San Andres ng 20 points habang may idinagdag si Montemayor na 14. Ang VNS ay may 57 attack points kumpara sa 51 ng Blue Eagles.
Halos patas ang error match ng grupo, sumablay ang VNS sa 38 miscues at napabayaan ng Ateneo ang 43 free points. Pinamunuan ni Amil Pacinio Jr. ang Blue Eagles sa 20 points at si Kennedy Batas ay may 17 markers.
Samantala, makasasagupa ng Filipinas ang World Cup co-host at world No. 22 New Zealand sa isang friendly game sa Cal State Fullerton’s Titan Stadium sa Setyembre 7 (Manila time).
Ang friendly game ay itinakda, isang linggo matapos ang training camp ng reigning AFF Women’s Champions sa Irvine, California bilang preparasyon sa 2023 FIFA World Cup. “We’ve been looking forward to this camp after a memorable and unforgettable AFF campaign,” ayon kay Alen Stajcic sa statement ng PFF
Nasungkit din ng Filipinas ang bronze sa Southeast Asian Games sa Vietnam noong Mayo, bago nasungkit ang AFF Women’s Championship title sa Manila noong Hulyo.








Comments