top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Speed limit sa ordinansa, puwede bang sumalungat sa pambansang batas?

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 21, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Nahuli ako dahil diumano ay lumabag ako sa speed limit na itinakda ng isang ordinansa sa isang bayan. Nagulat ako sapagkat sa pagkakaalam ko, ay nasa tamang speed limit naman ako habang binabaybay ang nasabing kalsada. Nang mag-research ako, napansin ko na mas mababa ang speed limit base sa klasipikasyon ng kalsada na itinakda ng ordinansa kumpara sa nakasaad sa Republic Act (R.A.) No. 4136. Maaari po bang magtakda ng mas mababang speed limit ang isang ordinansa kaysa sa speed limit na itinatakda ng R.A. No. 4136?


— Paking





Dear Paking,

Ang batas na nagtatakda ng speed limit sa ating mga kalsada ay matatagpuan sa Section 35 ng Republic Act (R.A.) No. 4136, as amended, o “Land Transportation and Traffic Code,” kung saan nakasaad na:

“Restriction as to speed. xxx


(b) Subject to the provisions of the preceding paragraph, the rate of speed of any motor vehicle shall not exceed the following:

MAXIMUM ALLOWABLE SPEEDS

PassengersCars and Motorcycle

Motor trucks and buses

1. On open country roads, with no "blinds corners" not closely bordered by habitations.

80 km. per hour

50 km. per hour

2. On "through streets" or boulevards, clear of traffic, with no " blind corners," when so designated.

40 km. per hour

30 km. per hour

3. On city and municipal streets, with light traffic, when not designated "through streets".

30 km. per hour

30 km. per hour

4. Through crowded streets, approaching intersections at "blind corners," passing school zones, passing other vehicles which are stationery, or for similar dangerous circumstances.

20 km. per hour

20 km. per hour


Kaugnay nito, sa Section 36 ng nabanggit na batas, sinasabi na: “No provincial, city or municipal authority shall enact or enforce any ordinance or resolution specifying maximum allowable speeds other than those provided in this Act.”

Ang ordinansang nagsasaad ng mas mababang speed limit kaysa sa itinatakda ng R.A. No. 4136 ay maaaring mapawalang-bisa. Ito ay suportado ng desisyon ng Korte Suprema sa kasong Municipality of Tupi vs. Faustino, G.R. No. 231896, August 20, 2019, sa panulat ni Kagalang-galang na Mahistrado Amy C. Lazaro-Javier, na nagsasaad na:

“We adhere to the hierarchy of legal rules - municipal ordinances are inferior in status and subordinate to the laws of the State. Thus, in case of conflict between an ordinance and a statute, the ordinance must be set aside. So must it be.”

Sa iyong sitwasyon, kung ang ordinansa ay nagtatakda ng speed limit na mas mababa o mas mataas kumpara sa itinakda ng R.A. No. 4136 para sa katumbas na klasipikasyon ng kalsada, maaari itong kuwestiyunin dahil sa posibleng pagsalungat nito sa nasabing batas. Ito ay sapagkat malinaw na ipinagbabawal ng Section 36 ng R.A. No. 4136 sa mga lokal na pamahalaan na magpasa o magpatupad ng ordinansa o resolusyon na nagtatakda ng mga maximum allowable speed na naiiba sa mga limitasyong nakasaad sa batas.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyong iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page