Karapatan ng kababaihan at LGBTQ+, ipagtanggol laban sa diskriminasyon

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 22, 2026

Sa ating pamayanan, marapat lamang na tayo ay makaramdam ng kapayapaan ng pag-iisip at kaligtasan laban sa anumang badya ng panganib, maging sa banta ng panliligalig at pambabastos sa publiko. Kaya naman ipinasa ang Republic Act (R.A.) No. 11313 (Safe Spaces Act) o ang Bawal Bastos Law.
Ayon sa polisiya ng nabanggit na batas, patakaran ng Estado na pahalagahan ang dignidad ng bawat tao at tiyakin ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao. Patakaran din ng Estado na kilalanin ang papel ng kababaihan sa pagbuo ng bansa at tiyakin ang tiyak na pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan sa harap ng batas. Kinikilala rin ng Estado na ang mga lalaki at babae ay dapat magkaroon ng pantay na karapatan pagkakapantay-pantay, seguridad, at kaligtasan—hindi lamang sa pribadong buhay, kundi pati na rin sa mga lansangan, pampublikong lugar, online, mga lugar ng trabaho, at mga institusyong pang-edukasyon at pagsasanay.
Maging sa lansangan marapat na magkaroon ng seguridad at kaligtasan ang isang tao. Ipinagbabawal sa batas ang:
“Section 4. Gender-Based Streets and Public Spaces Sexual Harassment. -The crimes of gender-based streets and public spaces sexual harassment are committed through any unwanted and uninvited sexual actions or remarks against any person regardless of the motive for committing such action or remarks.
Gender-based streets and public spaces sexual harassment includes catcalling, wolf-whistling, unwanted invitations, misogynistic, transphobic, homophobic and sexist slurs, persistent uninvited comments or gestures on a person’s appearance, relentless requests for personal details, statement of sexual comments and suggestions, public masturbation or flashing of private parts, groping, or any advances, whether verbal or physical, that is unwanted and has threatened one’s sense of personal space and physical safety, and committed in public spaces such as alleys, roads, sidewalks and parks. Acts constitutive of gender-based streets and public spaces sexual harassment are those performed in buildings, schools, churches, restaurants, malls, public washrooms, bars, internet shops, public markets, transportation terminals or public utility vehicles.”
Ang catcalling ay tumutukoy sa mga hindi kanais-nais na pahayag na nakadirekta sa isang tao, na karaniwang ginagawa sa anyo ng pagsipol-sipol at mga panlalait na tinataguriang misogynistic, transphobic, homophobic, at sexist slurs.
Ang “misogynistic” ay naglalarawan sa mga damdamin ng pagkamuhi, paghamak, pagiging kaaway, o nakaugat na pagtatangi laban sa mga kababaihan. Samantala, ang "transphobic" ay naglalarawan ng mga saloobin, pag-uugali, pananalita, o mga patakaran na nagpapakita ng diskriminasyon, pag-ayaw, takot, poot, o pagtatangi laban sa mga taong transgender, nonbinary, o mga taong hindi sumusunod sa kasarian. Ang "homophobic" naman ay naglalarawan ng takot, poot, pagkabalisa, pagtatangi, o kawalan ng pagkagusto sa mga taong bakla, lesbian, bisexual, o queer, o sa mga taong itinuturing na may atraksyon sa kaparehong kasarian. Ang “sexist slur” ay mga salita o pahayag na nakakasakit at mapanirang-puri, na nagpapababa sa pagkatao, naglalagay sa isang tao sa isang stereotype, o diskriminasyon batay sa kasarian—kadalasan ay laban sa mga kababaihan, o ginagamit upang palakasin ang paniniwalang ang isang kasarian ay mas nakatataas kaysa sa iba pa.
Ang angkop na probisyon ng batas na nagbibigay kaparusahan laban sa mga Gender-Based Sexual Harassment in Streets and Public Spaces ay ang mga sumusunod:
“Section 11. Specific Acts and Penalties for Gender-Based Sexual Harassment in Streets and Public Spaces. -The following acts are unlawful and shall be penalized as follows:
(a) For acts such as cursing, wolf-whistling, catcalling, leering and intrusive gazing, taunting, pursing, unwanted invitations, misogynistic, transphobic, homophobic, and sexist slurs, persistent unwanted comments on one’s appearance, relentless requests for one’s personal details such as name, contact and social media details or destination, the use of words, gestures or actions that ridicule on the basis of sex, gender or sexual orientation, identity and/or expression including sexist, homophobic, and transphobic statements and slurs, the persistent telling of sexual jokes, use of sexual names, comments and demands, and any statement that has made an invasion on a person’s personal space or threatens the person’s sense of personal safety –
(1) The first offense shall be punished by a fine of One thousand pesos (₱1,000.00) and community service of twelve (12) hours inclusive of attendance to a Gender Sensitivity Seminar to be conducted by the PNP in coordination with the LGU and the PCW;
(2) The second offense shall be punished by arresto menor (6 to 10 days) or a fine of Three thousand pesos (₱3,000.00);
(3) The third offense shall be punished by arresto menor (11 to 30 days) and a fine of Ten thousand pesos (₱10,000.00).”





Comments