Mga bilyong project insertions ng mga cong., huwag hayaang lumusot sa 2027 budget!

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 22, 2026

KAPAG NA-CONVICT SI VP SARA AT DAHIL AATRAS NA SI MAYORA LENI SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION, MALAMANG, DUTERTE PA RIN ANG NEXT PRESIDENT —
Kung mako-convict si Vice President Sara Duterte, hindi na siya puwedeng kumandato sa pagka-presidente, at dahil tinuldukan na ni Naga City Mayor, former VP Leni Robredo ang pagsabak sa 2028 presidential election ay posibleng isang Duterte pa rin, sa katauhan ni Davao City Mayor Baste Duterte ang maging next president after ng halalan sa May 2028.
Kaya natin nasabing isang Duterte pa rin magiging susunod na presidente ay dahil sa ginawang pag-atras ni Mayor Leni sa pagtakbong presidente, ay sa totoo lang, wala nang malakas na kandidatong puwedeng ipantapat ang Marcos admin laban sa mga Duterte, period!
XXX
PAG-PRESENT NG DEFENSE TEAM SA VIDEO NG MGA YUMAONG SINA SEN. MIRIAM AT SC CJ CORONA, NAG-BOOMERANG KAY VP SARA — Dapat pulungin ni VP Sara ang kanyang defense team sa impeachment court at sabihan ang mga ito na "gamitin ang kanilang mga utak" sa pagpi-present ng mga testigo at ebidensya sa impeachment trial kasi sa halip na makatulong, nakakasira pa sa Bise Presidente ang kanilang ipini-present.
Tulad na lang 'yung pag-present nila sa impeachment trial ng lumang video ng mga yumaong sina Sen. Miriam Santiago at Supreme Court Chief Justice Renato Corona, eh talaga namang nag-boomerang ito kay VP Sara, ang mga batikos ng netizens sa defense team sa isyung ito ay tumagos sa Bise Presidente, kasi nga 'yung prinesent ay tungkol sa impeachment case ng dating punong mahistrado kung saan ay natalo ito (Corona), na dapat kung may ipi-present sa impeachment court, dapat ang prinesent ay isang kaso na nanalo ang akusado, hindi 'yung talo, at ikalawa, hindi nagustuhan ng publiko na pati 'yung mga patay na ay ginamit pa ng depensa sa impeachment trial, tsk!
XXX
BILYUN-BILYONG PANG-PROJECTS NG MGA KONGRESISTA DAPAT TAPYASAN KASI HINDI KATANGGAP-TANGGAP NA HALOS KALAHATI NG NATIONAL BUDGET SA KANILA NAPUPUNTA — Dapat tapyasin ng Senado ang bilyun-bilyong insertions ng mga kongresista para sa kanilang mga infrastructure projects sa kanilang mga distrito.
Hindi kasi katanggap-tanggap sa publiko na ang halos kalahati ng national budget ay napupunta sa pang-projects ng mga cong., period!
XXX
SEN. DELA ROSA TILA TUTULUYANG SIBAKIN NI TITO SEN SA PAGKASENADOR — Kinumpirma ni Sen. Tito Sotto, chairperson ng Senate Ethics Committee, na ethics complaint laban kay Sen. Ronald Dela Rosa kaugnay ng matagal na pagliban nito sa Senado ay "sufficient in form and substance."
Naku, eh, sa tema ng statement na ito ni Tito Sen ay tila may plano itong tanggalin si Sen. Dela Rosa bilang senador ng bansa, abangan!





Comments