Sosyal daw talaga, ilang karat kaya? HEART, PINAGPIYESTAHAN NG MGA NETIZENS SA GAMIT NA GOLD STRAW
- BULGAR
- May 9, 2021
- 1 min read
SA SOFTDRINKS
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 09, 2021

Trending ang pag-inom ni Heart Evangelista ng softdrinks gamit ang gold straw. Umagaw 'yun ng pansin ng mga netizens dahil straw lang daw, sosyal at yayamanin pa!
Isang netizen ang nagtanong kay Heart kung saan maaaring makabili ng gold straw.
Walang pag-aalinlangang sinagot ng Kapuso actress ang tanong na sa Divisoria.
Komento ng mga netizens, "Drinking Coke in a sosyal way, love it! When Prada cap is waving!!!"
"Bat 'pag tayo umiinom ng Coke, hindi ganyan hitsura natin?"
"I wonder what's the brand of the 'straw'?"
"Idinaan tayo sa gold na straw."
"Ilang karat po 'yung straw???"
"Pati straw, ang sosyal. Gold, haha!"





Comments