top of page
Search
  • BULGAR

Sorry na lang daw, Richard… KIKO, TANGGAP NA NG FANS PARA KAY SARAH

ni Nitz Miralles @Bida | April 15, 2024




May mga kinilig sa tambalan nina Kiko Estrada at Sarah Lahbati sa TV5 revenge drama series na Lumuhod Ka sa Lupa. Nagulat nga ang mga viewers kung bakit sila kinilig sa dalawa, alam naman daw nila na umaarte lang ang mga ito.


'Kaaliw nga dahil may nag-sorry kay Richard Gutierrez na kinilig siya kina Sarah at Kiko, kahit alam nitong hiwalay na ang dalawa.


Ang nakakatuwa ay si Kiko dahil hindi lang kay Sarah kinilig ang mga fans, pati sa kanila ni Miles Ocampo na kanyang nakasama nang mag-guest ang aktor sa Eat... Bulaga!. May mga requests na nga sa aktor na bumalik sa EB! para magkita uli sila ni Miles.


May pangalan na ang mga shippers nila at ipinakilala ang sarili nila bilang KiMi shippers.


Ang wish nila, isama sa cast ng Lumuhod Ka sa Lupa si Miles dahil sabi naman ni Director Albert Langitan, hindi pa tapos ang taping nila.

                                                                    

 


 



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page