top of page
BULGARY - PRIME MINISTER NG TIMOR-LESTE, NAPASAYAW SA KANTA NG SB19_IG _officialSB19.jpeg

Sorry kay Floyd, Trump mas bet si Pacman "The Best in the World!"

Writer: BULGAR
BULGAR
3 minutes ago
1 min read

by Gerard Arce @Sports News | November 19, 2026



Manny Pacquiao at Donald Trump - FB

Photo: Manny Pacquiao at Donald Trump / File / FB


   

Higit na kinilala ni US President Donald Trump si Sec. Manny Pacquiao bago ang paglapag sa Maynila para sa pagbisita sa ASEAN Summit.


Sa mga video na lumabas sa social media, nagpaabot ng espesyal na pagkilala ang Pangulo ng Estados Unidos sa nag-iisang 8th-division world champion na si Pacquiao na kasalukuyang namumuno sa National Anti-Poverty Commission (NAPC).


Bago dumating ang pagkilalang ito isang araw lamang bago ang pag-alis ni Trump patungong Pilipinas upang dumalo sa napakahalagang ika-49th ASEAN Summit.


Ayon sa ilang ulat, ang nasabing clip ay nagmula pa sa UFC Freedom 250 sa White House noong Hunyo 2026, kung saan kasama ang UFC CEO na si Dana White. "Manny, you're the best fighter in the world. I'm telling you, you're the best. The Pacman. I love the Pacman. Thanks, Manny," saad ni Trump sa lumabas na video clip.


Ang 47-anyos na Filipino boxing legend ay naging opisyal ng gabinete na matagal nang may maayos na ugnayan at kapwa paggalang kay Trump, na nag-ugat sa kanyang pandaigdigang karera sa boksing at katanyagan sa politika.


Matatandaang binisita rin si Pacquiao ni Polish President Karol Nawrocki noong Oktubre na matagal nang tagahanga ng International Boxing Hall of Famer at lubos na mahilig sa mga combat sports.


Nagawa pang magpakitang-gilas ni Pres. Nawrocki ng kanyang boxing skills habang hawak ni Pacman ang mitts sa Elorde Boxing Gym, na may flagship social initiative na "Knockout Ang Kahirapan: Masaganang Pamumuhay sa Bagong Pilipinas." 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page