top of page
FRANKLY - PIKTYUR NI ELLEN NA MAY KASAMANG MALE MODEL SA CHINA, AGAW-EKSENA_IG _maria.elen

Malig at Tan bronze din sa Asian Tenpin Men's Doubles

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
1 min read

ni Eddie M. Paez Jr. @Sports | November 18, 2024



  • Malig at Tan bronze din sa Asian Tenpin Men's Doubles


Pangulong nina Ivan Dominic Malig at Merwin Matheu Tan ang kanilang mga bola sa alleys ng Doha tungo sa isa pang tansong medalya para sa Pilipinas nang magsara ang men's doubles event ng 28th Asian Tenpin Bowling Championships.


Ito na ang pangalawang bronze medal ng bansa sa nabanggit na kompetisyon sa disyerro matapos isulat nina Grace Gella at Krizziah Macatula ang Pilipinas sa medal board nang pumangatlo sila sa hanay ng women's doubles.


Galing sa pang-anim na posisyon, tumalon sina Gella at Macatula sa pangatlong posisyon at maitakas ang bronze sa pamamagitan ng pagpapatumba sa huling game ng umuusok na 547 bolilyo.


Sina Malig (1,461) at Tan (1,327), kumartada sila ng kabuuang 2,788 pinfalls. Anim na bolilyo lang ang naghihiwalay sa Pinoy duo at sa pumang-apat na tambalan nina Amen Yuen Cheuk Hin at Dylan Lam Nok Him ng Hongkong. 


Pamatay na back-to-back 279 sa huling dalawang laro ni Malig ang tuluyang nagbigay sa bansa ng bronze sa men's doubles at 0-0-2 gold-silver-bronze na medal tally sa kompetisyon.


Pinagsanib na puwersa din mula sa Hongkong (2,839 pinfalls) ang nakakuha ng ginto habang napasakamay naman ng tandem mula sa United Arab Emirates (2,795 pinfalls) ang pilak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page