ni Nitz Miralles @Bida | January 11, 2024
Tinupad ni Sharon Cuneta ang nabanggit nito bago mag-New Year na magkakaroon ng pagbabago sa kanyang social media accounts.
Ang dami niyang dinelete na post. May 90 posts na lang na naiwan sa kanyang Instagram at nababahala ang kanyang mga fans na baka wala nang maiwan sa kanyang post.
May naniniwala pa nga na ang ititirang post na lang ni Sharon ay ‘yung sa family niya, post about her love for dogs and the rest, ide-delete niya.
Baka nga raw patapusin lang nito ang showing ng Family of Two nila ni Alden Richards at pati ang videos na ipino-promote ang movie, ang mall shows nila ay i-delete rin.
Deleted na rin ang post ni Sharon na may kinalaman sa promo ng Dear Heart concert nila ni Gabby Concepcion. Pati ang mga photos with her family ay deleted na at ang naiwan na lang ay photo nila ni Kiko Pangilinan with Jose Mari Chan na nakita nila sa dinner nila sa Manila Peninsula last December pa.
Agree ang mga fans ni Sharon sa pagde-delete niya sa marami niyang post sa IG para raw malinis ang kanyang IG feed. Ang tawag nga ng kanyang mga fans sa ginawa ni Sharon ay “rebranding” at kahit daw ano ang gawin nito ay susuportahan nila.
Comments