Sori na lang, Gerald… SIGAW NI DENNIS: SOLID JULIA-JOSHUA TANDEM!
ni Nitz Miralles @Bida | July 7, 2024

In fairness kay Dennis Padilla, kahit may isyu sila ng anak na si Julia Barretto, ipino-promote pa rin nito ang mga ganap ng anak. Gaya na lang nitong pelikula nina Julia at Joshua Garcia na Un/Happy For You. Ipinost nito ang poster ng movie na collab ng Star Cinema at Viva Films.
Ipinaalala rin ni Dennis ang playdate ng movie at sabi, “Yes, August 14 na po. Please watch guyzzz. Solid Julia-Joshua tandem.”
Nila-like rin ni Dennis ang post ng Star Cinema at Viva Films tungkol sa movie ng JoshLia (Joshua at Julia).
Nakakapanibagong basahin ang comments dahil walang umaaway na fans kay Dennis Padilla, walang naninisi at good vibes lang ang lahat. Excited na rin ang mga JoshLia fans na mapanood ang reunion movie ng dalawa at pangako nila, sa premiere night pa lang, susuportahan na nila ang pelikula.
Aktres, break na raw kay Gov. Luigi, nagsalita na…
KIM JI SOO, NAG-I LOVE YOU KAY YASSI

“HAHA! Never,” ang sagot ni Yassi Pressman sa tanong ng isa niyang follower sa Instagram kung break na sila ng boyfriend niyang si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.
Ang dahilan kung bakit may ganu’ng tanong ay dahil sa reels post ni Yassi ng behind-the-scenes (BTS) nila ng South Korean actor na si Kim Ji Soo sa taping na Black Rider.
Bale ba, may mahaba ring convo ang dalawa at nanghingi pa ng more BTS ang Korean actor.
Sa request ni Ji Soo na “More BTS pls,” ang sagot ni Yassi ay “Sige, you asked for it,” na sinagot ni Ji Soo ng “YEYYY Love you, Yassi!”
Ayun, may mga kinilig sa pa-I love you ni Ji Soo. May nagtanong naman kung ano ang amoy ni Ji Soo, ‘kaloka!
May mga fans ang Korean actor na nagsabing may pila para kay Ji Soo, na game na sinagot ni Yassi ng "Nasaan ang pila?"
Masaya ang sagutan nina Yassi at ng mga followers niya at tinukso pa ang dalawa. Bagay daw silang dalawa at may nag-wish na sana, silang dalawa na lang.
Kaya lang, sagot ni Yassi ay hindi puwede dahil loyal siya sa boyfriend at si Gov. Luigi ang mahal niya.
Panawagang ceasefire ng misis ni Sen. Chiz, wa' epek… SOCMED WAR NG KAMPO NINA HEART AT PIA, TULOY!

Hindi nasunod ang panawagan ng Heart World, isa sa fan club ni Heart Evangelista na ceasefire at tigilan na ang bardagulan ng fans nina Heart at Pia Wurtzbach dahil tuloy pa rin ang internet war ng dalawang kampo.
Hindi nauubusan ang dalawang kampo ng isyu na kanilang pag-aawayan and one wrong comment, magsisimula na ang bardagulan.
Kung bakit naman kasi ugali ng mga fans na bisitahin ang Instagram account nina Heart at Pia at kapag may nakitang hindi swak sa kanilang taste o feeling nilang may parinig kay Pia o Heart o vice-versa, simula na uli ng balitaktakan.
Parehong nasa Manila na sina Heart at Pia after Paris Fashion Week, pero kahit nasa bansa sila, hindi pa rin nagkukrus ang kanilang landas. Paano kaya ‘pag nagkita sila sa mga events? Sasabog siguro ang internet.
Maiisip mo rin na ano kaya ang makakapagpatigil sa dalawang kampo sa kanilang internet war?
Anyway, si Pia ay dumaan muna sa Dubai to visit her husband at aliw ang comment ni Jeremy Jauncey sa ipinost ng asawa na photos nila. Sey ni Jeremy, “Finally, some good content on this feed," na sinang-ayunan ng mga followers ni Pia at fans nilang dalawa.
In fairness, ang daming nagla-like tuwing may post si Pia kasama ang husband niya at ibig sabihin, marami siyang fans. Positive rin ang comments kapag photo nila ng asawa ang ipino-post ni Pia Wurtzbach. Kung may kontrabida man ay iilan lang.





Comments