top of page
Search
  • BULGAR

Sori na lang daw sa ex-mister… CLAUDINE, NEVER NA TALAGA KAY RAYMART, SI COCO ANG GUSTO

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | February 3, 2021




Sa grand presscon ng Mamasapano movie of Borracho Film Productions ni Atty. Ferdinand Topacio ay natanong ni yours truly ang leading lady dito na si Claudine Barretto na kung after doing Mamasapano ay muli ba siyang magiging active sa pag-aartista.


“Yes po,” nakangiti niyang sagot.


Byuti pa rin siya, in pernes, kahit matagal siyang nawala sa showbiz limelight at nahiwalay sa dyowa niyang si Raymart Santiago na ngayon ay napapabalitang dyowa na raw ni Jodi Santamaria.


Agad itong tinanong uli ni yours truly kung halimbawang alukin uli siya ng movie ni Atty. Ferdie Topacio na isang romantic movie na ang magiging partner niya ay ang estranged hubby niyang si Raymart with matching Jodi as their ka-love triangle, payag ba siya?


Sumigaw agad si Atty. Topacio ng mga katagang… "Hindi ko gagawin 'yun!” na ikinatawa lang ni Claudine pati na ng mga taong nakapaligid sa kanya.


“Hindi. At hindi niya gagawin 'yun (referring to Atty. Ferdie Topacio), mas okay kasi even before, never kaming nagsama sa pelikula or siguro once lang…” sabi ni Claudine, sabay sabat ni Atty. Topacio ng… "Sa Channel 7 'yun!”


Salo naman agad ni Claudine, "Oo nga, sa Channel 7. Pero ayaw talaga namin bakuran ang isa’t isa, nako-conscious kami.”


Hirit uli ni Atty. Topacio na tipong pabiro, "Ako na lang ang magiging partner niya!”


Tanong uli ni yours truly kay Claudine, mag-aasawa ba siyang muli?


Umiling lang siya and even added, "Kung may darating siguro, pero ngayon, sa mga anak ko ako nakatutok. Ang panganay ko ay 16 years old na.”


Tanong uli ni yours truly, "Eh, halimbawa, gagawa ka nga uli ng movie, sino sa mga artista natin sa kasalukuyan ang gusto mong makasama o makapareha?”


“Si Julia Montes, Coco Martin at si Daniel Padilla,” saad niya.


At ang mensahe niya sa kanyang mga tagahanga ay…. “Thank you so much sa mga sumusubaybay pa rin sa akin at ipinagtatanggol ako lalo na sa social media. Thank you so much. I am forever grateful. Kaya for repaying, I am doing good movie like this, Mamasapano,” pagtatapos ng nag-iisang Claudine Barretto sa ating showbiz world.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page