Sopla kasi nu'ng unang bumati sa ex-BF… SOLENN, NO COMMENT NA SA ENGAGEMENT NINA DEREK AT ELLEN
- BULGAR
- Apr 6, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | April 6, 2021

Hindi na namin nabasa ang congratulatory remarks ni Solenn Heussaff nang i-announce nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na engaged na sila. Ang naalala namin, "Charaught. Hahaha" lang ang naging comment ni Ellen nu'ng sabihin ni Solenn na ang cute ng picture nila ni Derek na magkasama.
Nasa IG Story pala ni Ellen ang Easter Sunday happening nila nina Derek at anak na si Elias at ibang bata, at makikitang mas nag-enjoy pa si Derek sa slides.
Sabi ni Ellen, “My eldest” na ang tinutukoy ay si Derek.





Comments