Solusyon sa OA na init — Angara... Estudyante, mag-sando na lang

ni Mervin Reyes @News | October 17, 2026

Photo: File / Sonny Angara - DepEd
Pinapayagan na ng Department of Education (DepEd) ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan na pumasok nang walang uniporme, kabilang ang pagsusuot ng sando, basta disente ang kanilang pananamit.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, hindi kailangang pilitin ang mga estudyante na magsuot ng uniporme, lalo na kung mahihirapan ang kanilang pamilya sa paglalaba dahil sa kakulangan ng tubig.
Layunin ng hakbang na mabawasan ang discomfort ng mga mag-aaral sa harap ng matinding init na posibleng idulot ng inaasahang Super El Niño.
Samantala, pinag-aaralan din ng DepEd ang paglalagay ng solar power systems sa mga paaralan upang makatipid sa kuryente at makatulong na mapanatili ang maayos na bentilasyon sa mga silid-aralan.





Comments