Motoristang tumakas sa checkpoint, kulong

ni Benjamin Chavez @News | October 17, 2026

Photo: Tumakas sa checkpoint - LTO Region 4A Calabarzon - Timemark - FB
Arestado ang isang motorista matapos umanong tumakas sa checkpoint ng Land Transportation Office (LTO) sa Barangay San Antonio, Biñan City, Laguna, alas-8:17 ng gabi noong Oktubre 14.
Kinilala lamang sa pangalang “Pedro” ang driver na hindi umano sumunod sa senyas ng LTO enforcer na huminto.
Agad siyang hinabol at kalaunan ay naaresto sa tulong ng Biñan City Police.
Sa pagsusuri, natuklasang hindi rehistrado ang sasakyan. Kabilang sa mga paglabag ng motorista ang reckless driving, pagmamaneho nang walang valid driver's license, hindi pagsunod sa traffic officer, at paggamit ng hindi rehistradong sasakyan.
Ayon sa LTO, dalawang beses na ring naiulat ang umano'y pag-iwas ng driver sa mga awtoridad noong Hulyo 27 at Setyembre 24, 2026, na sasailalim pa sa beripikasyon.
Dinala ang motorista at sasakyan sa Biñan City Police Station para sa karagdagang imbestigasyon at kaukulang aksiyon.





Comments