Baligod, 'maleta boys', inaresto

by Jeff Tumbado @News | October 17, 2026

Photo: Atty. Baligod at 14 maleta boys arestado - Courtesy Eastern Police District
Inaresto nitong Biyernes ng umaga sa San Juan City ang abogadong si Levito Baligod at 14 sa kanyang mga kliyente na kilala sa tawag na “Maleta Boys” kaugnay ng kasong unjust vexation.
Ito ang kinumpirma ni San Juan City Police Chief PCol. Anthony Gantang sa panayam ng mga mamamahayag.
Ayon kay Gantang, naglabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court (RTC) sa Zambales noong Setyembre 23.
Dinakip ang grupo sa harap ng Hall of Justice sa San Juan City.
Itinakda ng korte sa P10,000 ang piyansa para sa bawat isa sa kasong kinahaharap nila.
Sa ilalim ng Rules of Criminal Procedure, maaaring ipatupad sa buong bansa ang mga warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Courts at Municipal Trial Courts.
Dahil dito, maaaring magsagawa ng pag-aresto ang mga awtoridad kahit nasa labas ng hurisdiksiyon ng korte na naglabas ng warrant sa mga suspek.





Comments