VP, hinamong magdemanda... Matibag, walang kuwenta — Sara

ni Mervin Reyes @News | October 17, 2026

Photo: Mel Matibag at Sara Duterte - NBI - FB
Tinawag ni Vice President Sara Duterte na “nobody” si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa gitna ng imbestigasyon sa mga ari-ariang iniuugnay sa kanya at sa kanyang pamilya.
“Hindi ako interesado sa kanya. Walang interested kay Atty. Matibag. He's a nobody,” pahayag ni Duterte sa isang ambush interview sa Zamboanga City nang tanungin sa hamon ni Matibag na magsampa siya ng kaso kung naniniwala siyang may kinikilingan ang NBI chief.
Bilang tugon, sinabi naman ni Matibag, kung pagbabatayan ang pagkakaroon ng mga mansyon, negosyo, Jollibee at pagtanggap umano ng malaking halaga mula sa Chinese state-owned companies, talagang 'nobody' siya kung ikukumpara sa Bise Presidente.





Comments