Solong dumating sa Mega Ball… HEART, HIWALAY NA RAW KAY SEN. CHIZ, TAMEME
- BULGAR

- 7 hours ago
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 14, 2026

Photo: FB Heart Evangelista
Agad pinagpiyestahan ng mga netizens ang ipinost ng Pambansang Marites na si Christian Albert Gaza sa kanyang Facebook account nu’ng June 12 na “Happy Independence Day, Heart Evangelista.”
Bagama’t walang ibang detalye at paliwanag na binanggit ang social media personality, marami agad ang nag-speculate na ang tinutukoy ni Xian ay malaya na si Heart at hiwalay na ito sa mister na si Sen. Chiz Escudero.
Lalo pang tumibay ang haka-haka ng mga netizens nang solong dumalo si Heart sa ginanap na Mega Ball 2026 sa Makati Shangri-La nu’ng Biyernes nang gabi (June 12).
Although nu’ng Mega Ball 2025 ay wala rin namang escort na Sen. Chiz si Heart, tanong ng mga netizens, bakit sa mga nakaraang GMA Gala ay sumasama naman ang mister niya?
May mga nakapansin ding matagal nang hindi nagpo-post si Heart ng photo o video nila ni Sen. Chiz. Puro tungkol sa kanyang OOTD, make-up at mga alahas lang ang ipino-post ni Heart.
Kunsabagay, hindi naman natin masisisi si Heart dahil hindi naman siya natutulog sa pansitan. Alam niyang mainit ang mga mata ng madlang pipol sa kanyang mister dahil sa pagkakasangkot nito sa isyu ng flood control scam.
Hindi nga ba’t pati sa social media, kahit hindi naman tungkol sa pulitika ang mga ipino-post ni Heart, may mga netizens pa ring bina-bash siya sa pagiging “Maleta Queen” daw niya?
Kaya definitely, iiwasan talaga ni Heart na makitang magkasama sila ni Sen. Chiz dahil mainit nga rito ang mga netizens at para iwas-bash na lang din.
Kaya ‘wag na rin nating ipagtaka kung until now, dedma lang si Heart at walang statement sa kumakalat na balitang hiwalay na sila ng kanyang mister.
Hindi natin maaasahang magsalita ngayon si Heart lalo na nga’t kumukulo pa ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang asawa.
Walang kilay, mukhang tumanda…
BIANCA, HITSURANG PANG-HALLOWEEN DAW SA MEGA BALL
AKALA namin ay kami lang ang nakapansin sa “no kilay” look ng Kapuso star na si Bianca Umali sa ginanap na Mega Ball 2026, ‘yun pala, big deal din ito para sa maraming netizens.
Marami ang nagtatanong kung nakalimutan bang maglagay ng kilay ni Bianca bago pumunta sa sosyal na party, pero may paliwanag pala sa likod nu’n.
Ayon sa writer-vlogger na si John Bueno, “faded eyebrow look” pala ang tawag du’n at nauso nu’ng Circa 2022 na ginawa rin daw sa runway ng model na si Kendall Jenner.
Pero mukhang hindi na-appreciate ng marami ang pa-model na emote ni Bianca sa Mega Ball 2026, dahil imbes na hangaan ang kanyang ganda, nalait pa siya dahil may mga nabasa kaming comments na “Napaaga ang Halloween look” ni Bianca, habang may mga nagsabing tumanda ang kanyang hitsura.
Meron ding nagsabing mala-Monalisa ang drama niya at hindi siya nakilala sa bago niyang hitsura.
May nag-comment din na, “Ano bang bagong role na gagampanan mo, Avatar o si Gamora?”
Sabi naman ng isa, “Kamukha ni Awra sa pagkaka-make up niya.”
At may nag-comment ding napagkamalan siyang si Esnyr, isa sa ex-PBBCCE housemates.
Well, just wondering kung ano kaya’ng nararamdaman ngayon ni Bianca sa feedback sa “faded kilay look” niya.





Comments