top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Social distancing, 'di nasunod… BORACAY, NABULABOG DAHIL KAY VICE

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 17, 2020
2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | December 17, 2020




Nakapagbakasyon ang It's Showtime host na si Vice Ganda sa Boracay when the show had a break last week. Mismong si Vice ang nagkuwento nu'ng muling nag-live ang ABS-CBN noontime show noong Lunes.


Kasabay nito ay ang paghingi ni Vice ng paumanhin sa mga nagpapatupad ng batas sa Boracay dahil sa nalikha nilang komosyon.


"Gusto kong mag-sorry sa mga otoridad ng Boracay. Wala kasing tao, 'di ba? So, nag-volleyball kami, apatan. Tapos, maya-maya, pagtingin namin, ang dami nang taong nanonood. So, sinita na nu'ng ano, kasi hindi puwedeng magdikit-dikit," panimula ni Vice habang nakikinig ang iba pang hosts na kasama niya sa It's Showtime.


Kaya no choice si Vice kundi ihinto na lang daw ang paglalaro nila ng volleyball.


"Two sets na lang kami. Kasi naging Olympics 'yung ano. 'Ano'ng nangyari? Walo lang tayo rito, ah.' Pagtingin namin, ang dami nang nanonood. Kaya pasensiya na po," paghingi ng paumanhin ni Vice.


Feeling recharged naman si Vice sa kanyang pagbabakasyon sa Boracay. Masarap daw talaga na nakakapagpahinga rin siya.


"Saka, konti rin kahit 'yung mga empleyado. Nakakalungkot lang kasi nakakausap ko sila, sabi nila, hirap daw talaga sila. Pero ang maganda, eh, patuloy na gumagalaw. Patuloy na, 'di ba? Laban lang. Pero ang mahalaga kasi ngayon, eh, mabuhay lang muna talaga, 'di ba?"


Sa huli, positibo pa rin si Vice na makakabawi ang lahat sa susunod na taon.


"Bawi tayo next year. Patapos naman na! Patapos na ang daot! Oo, malapit na," diin pa ni Vice.


Samantala, aliw na aliw naman ang madlang pipol sa kakulitan nina Vice at Kim Chiu kapag nagho-host sa It's Showtime na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 11 AM sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online live, iWantTFC, iWantTV and TFC.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page