top of page

Sobrang paggamit ng cellphone, ‘di normal, magpapahina pa ng immune system

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 18 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | October 17, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Kumakalat ang influenza.

Hindi na kayo nasanay!

----$$$---

Immune system ang susi upang hindi tablan ng influenza.

Kapag maayos ang immune system, kahit dapuan ka ng flu, mabilis ito gagaling.

----$$$--

LIBRE lang at walang gaanong gastos ang pagpapalakas ng immune system.

Una, huwag magpuyat o aktuwal na umiwas na magbabad sa gadgets nang hanggang hatinggabi o ubusin ang oras sa Facebook at YouTube.

----$$$--

MARAMI ang tinatamaan ng influenza ngayon — dahil mayorya ng mga Pinoy ay mahina ang immune system dahil kaka-FB.

Ang Facebook at YouTube — ang tunay na sanhi ng epidemya ng flu, sa akin lang.

-----$$$--

MAMAHINGA hanggang kaya upang mapalakas ang immune system.

Gayundin, kapag gadgets ka nang gadgets, hihina ang immune system dahil malilimutan mong kumain nang maayos at hindi ka maglalakad, bagkus ay magdamag kang nakaupo o nakahilata.

-----$$$--

KAPAG nakababad ka sa screen, sasakit ang batok mo at maging ang balikat — sapagkat puwersado ang iyong daliri.

Mapapagod din ang iyong mga mata at irritable ka ‘pag may kumausap sa iyo — kaya’t magiging tamad ka rin na maglinis ng bahay o kahit maligo — ay hindi mo na bibigyan ng prayoridad.

-----$$$--

NORMAL lang ang pagkalat ng influenza tuwing magpapalit ng panahon — lamig, init, ulan, alinsangan.

Ang hindi normal ay ang sobrang paggamit ng cellphone — at iyan ang magpapahina ng iyong immune system.

-----$$$--

BUKOD sa iwas-puyat at iwas-pagod, dapat ding kumain ng masusustansiyang pagkain.

Imbes kasi na ibili ng maayos na pagkain, titipirin ang badyet upang makabili ng load.

-----$$$--

SA lugar ng mga nagdarahop, kakarampot lang ng kanilang “cash” pero ang prayoridad nila ay mag-Facebook upang malimutan ang gutom.

Aktuwal na nalilimutang kumain at mamahinga kaya’t bagsak-papag o biglang tulog — nang nalalaglag pa ang cellphone nang hindi namamalayan dahil biglang idlip o pagkatulog.

----$$$--

ANG pagkaadik sa cellphone o social media — ang tunay na “epidemya” — hindi ang trangkaso o influenza.

May gamot kontra sa flu, pero ang walang gamot sa pagkakaadik sa paggamit ng cellphone.

-----$$$--

KAILANGAN din ang ehersisyo — maglakad o tumakbo pero dahil adik sa cellphone hindi na lumalabas ng bahay ang mga “sosyal na adik” sa social media.

Libre lang ang gamot — simpleng disiplina.

-----$$$--

ANG pagkain ng gulay at prutas ay nagpapalakas ng resistensya at immune system.

Mababa lang ang halaga ng gulay at prutas — pero kapag ang konting cash — ay inubos sa pagbili ng load — “magkakasya” na lang sa patis, toyo, bagoong at asin ang mga tao — kaya mabilis na tatamaan ng influenza.

-----$$$--

KAHIT mamigay ang gobyerno ng libreng gamot — hindi rin mareresolba ang pagkalat ng influenza — dahil ang immune system ng mga tao ay dispalinghado.

Mas dapat ay gumawa ng mga social activities ang gobyerno tulad ng cultural programs, sports activities at skills training program sa lahat ng sector — nanay, tatay, estudyante, obrero at maging sa mga professionals.

----$$$--

ANG epekto ng teknolohiya ay nagbubunsod ng aktuwal na sakit o epidemya.

Nalilimutan ng mga eksperto — ang kahalagahan ng kultura, sosyal at humanity.

Maunawaan sana ito ng lahat!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page