Sobrang nag-enjoy sa aktor… JULIA, MARAMING NATUTUNAN DAHIL KAY ALDEN
- BULGAR
- Sep 22, 2023
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | September 22, 2023

Ang ganda ng nabuong friendship nina Julia Montes at Alden Richards dahil sa pelikulang Five Break-Ups and a Romance na showing na sa October 18, 2023 sa direction ni Irene Villamor.
Kapag nai-interview ang dalawa, lagi nilang pinasasalamatan ang bawat isa. Dumating daw ang right project sa kanila sa right time, kaya masaya sila.
Sa kanyang Instagram page, iniimbita ni Julia ang lahat to watch the movie na pareho palang comeback nila ni Alden. Si Alden, four years ago pa ang last movie, not sure though kung kailan ang last movie ni Julia.
Sa kanyang post, inanyayahan ni Julia ang mga Kapamilya, Kapuso, at Kapatid na panoorin ang Five Break-Ups and a Romance.

“Showing ang aming movie this October 18 in cinemas nationwide. Ito ang pelikulang bumago sa akin, nagturo sa akin na mas lalong maging matapang at nagpa-realize sa akin ng importansiya ng pagmamahal, pagpapatawad at pagmamahal nang paulit-ulit.
@aldenrichards02 salamat sa pagsama sa akin sa journey na ito. Salamat sa pagkakaibigan, salamat at napakadali ng lahat dahil magkasama tayo sa proyektong ito. Direk @ayrin you are a genius. Maraming salamat sa napakagandang istorya na ibinigay mo sa amin ni Alden.
Mahal na mahal kita. Suportahan po natin ang pelikulang Pilipino.”
Sumagot si Alden ng, “Always and always, Jules,” at sagot naman ni Direk Irene, “Mahal din kita, bebe @montesjulia08! for life na tayo.”
Base sa mga nabasa naming komento sa post ni Julia, makakaasa sila ni Alden ng suporta mula sa kani-kanyang fans at pangako ng mga fans ni Julia, hindi nila pababayaan ang aktres at ang pelikula nila ni Alden.
Busy pala sina Julia at Alden sa promo ng Five Break-Ups and a Romance at sa September 24, nasa SM MOA Arena sila para sa opening ng NCAA. Sa Sept. 30, nasa Marquee Mall sa Pampanga naman sila.
Mula October 1 hanggang Oct. 15, bibisita sila sa different malls to promote the movie na collab project ng GMA Pictures, Cornerstone Studios at Myriad Entertainment ni Alden.





Comments