Sobrang na-miss ang BF… JULIA, SUPER-YAKAP KAY GERALD NANG MAGKITA
- BULGAR
- Oct 15, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | October 15, 2021

“Ayuda” ang tawag ng mga fans nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa lumabas na photo ng dalawa na super sweet. Na-miss yata nila ang isa’t isa at kita ‘yun sa pagyakap ni Julia kay Gerald at paghawak ni Gerald sa dalawang tuhod ni Julia.
Kinilig at masaya ang puso ng mga fans nina Julia at Gerald at bawing-bawi ang pagka-miss nila sa dalawa. Dahil sa sweetness nina Julia at Gerald, dedma ang mga fans sa mga bashers na ikinukumpara ang mga idol nila kina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Magkasama raw sina Julia at Gerald sa kanilang endorsement shoot noong isang araw lang, kaya bago ang kanilang larawan.





Comments